Chapter 67

1.6K 140 40
                                    

Chapter 67


TITUS


"Malugod ko kayong binabati sa inyong pagtatapos. Nawa'y panatiliin niyong ligtas ang ating Imperyo sa susunod na henerasyon!" malumanay at nakangiting saad ng Emperador.

Itinaas ng Emperador ang kanyang kalis na naglalaman ng alak na gawa sa ubas. Malakas na nagpalakpakan lahat ng estudyante na nasa ikatlong taon na imbitado sa huling hapunan na pinangunahan ng Mahal na Emperador. Napatingin na lamang ako sa aking plato na hindi ko man lamang maubos ang paagkain na nasaa ibabaw nito.

Bahagya akong yumuko habang kagat-kagat ang aking pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa pa-anyaya sa akin ng Punong Maestro na sumama sa selebrasyon na ito. Lumilipad pa rin ang isipan ko sa ginawa ng Mahal na Emperador kanina sa plenaryo. Usap-usapan ako ng mga estudyante sa Akademiya.

Tipid na ngumiti sa akin si Glenn "Ayos ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Masama ba ang pakiramdam mo? Nag-aalala ako sa'yo Titus." mahinahon na wika sa akin ni Glenn at hinawakan ng mariin ang kaliwang kamay ko.

Suminghap ako ng hangin "Huwag mo akong alalahanin Glenn, ayos lang talaga ako. Sumama lang ng bigla ang pakiramdam ko."

Tumango siya "Gusto mo bang umalis na tayong dalawa sa hapunan na ito at ihatid na kita sa kwarto mo?" tanong niya.

Umiling ako "Ano ka ba, mamaya makita tayo ng mga Kawal ng Emperador at mahuli tayong dalawa. Hintayin na lang natin matapos ito, malapit naman na." saad ko sa kanya.

Dalawa lamang kami ni Glenn na personal na inimbita ng Punong Maestro. Hindi ko alam kung anong mayroon sa aming dalawa at napili kami kahit na nasa unang taon pa lamang kami. Hindi ko naman na nakausap pa sina Io, Kisumi at Levi dahil abala rin sila sa selebrasyon na ito. Si Ruhk naman ay magpapahinga daw muna sa kanyang kwarto dahil hindi naman siya kasama.

Mariin akong napalunok at pilit na kinalma ang aking sarili. Ang isa sa hinihintay ko ay ang mahalagang balita na babanggitin ng Emperador maya-maya. Hindi ko alam kung tungkol saan ang anunsyong iyong ngunit pakiramdam ko ay kailangan kong malaman iyon. Hindi ako mapakali na hindi ko maririnig ang balitang iyon.

Nagpatuloy lamang ang mga estudyante sa kanilang pagkain. Isang oras na ang nakalipas simula nang mag-umpisa ang huling hapunan dito sa hapag kainan. Kasama kumakain sa lamesa ng Emperador ang kanyang dalawang Anak na kanina pa lumilingon sa aming direksyon kahit na nasa pinaka-dulong bahagi na kami ng lamesa kaming dalawa ni Glenn.

"Bago ko tuluyan na lisanin ang Akademiyang ito ay may nais akong ibalita sa inyong lahat." maamong wika ng Emperador habang nakatayo sa aming harapan.

Ilang minuto na ang lumipas at natapos na kumain ang karamihan. Agad naman na nakuha ng Emperador ang atensyon ng lahat kaya lahat ay atentibong nakatingin sa kanya. Bahagyang nanliit ang mga mata ko dahil para akong kinakabahan sa sasabihin ng Mahal na Emperador. Baka tungkol nanaman sa akin ito at gumawa nanaman siya ng kakaibang kwento.

Hinawakan ni Glenn ng mahigpit ang kaliwang kamay ko "Huwag kang mag-alala, lagi lang akong nasa tabi mo. Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat." malumanay na saad niya sa akin habang nakangiti.

Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Glenn. Kahit na marami akong itinago sa kanya at lagi niyang ipinaparamdam sa akin na lagi siya nasa tabi ko upang gabayan at tulungan ako. Maraming sinasabi ang kanyang mga mapupungay na mga mata na kakulay ng magandang kalangitan. Marami talaga kong utang na loob sa kanya.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon