Chapter 71

1.9K 146 18
                                    

Chapter 71


TITUS


"Narito na tayo sa Bayan ng Clarines." saad ng Punong Maestro matapos namin lumabas sa aming mga sinakyan na karwahe.

Nag-unat muna ako ng aking likod dahil labis ang pangangalay nito sa ilang oras na pag-upo. Nasa aming tapat ang isang magandang istraktura na ibang-iba sa disenyo na makikita sa Bayan ng Quincy na kapitolyo ng Imperyo ng Wistalia. Kahit ito na ang ikalawang beses ko na makarating sa Bayan na ito ay namamangha pa rin ako sa ganda nito.

Ang Bayan ng Clarines ay ang sentro ng Pamahalaan ng Imperyo ng Wistalia. Dito makikita ang lahat ng sangay ng Imperyo at dito rin naninirahan ang Emperador at ang pamilya nito. Kung ang Bayan ng Quincy ang kapitolyo ng komersyo ng Imperyo, ang Bayan ng Clarines naman ang sentro ng Politika sa buong Wistalia.

Napahinga ako ng malalim habang tinatakpan ang aking mga mata sa mataas na sinag ng araw. Nauna nang pumasok sa loob ng aming pansamantalang tutuluyan sina Punong Maestro, Maestra Raphaela at ang isa nilang kasamahan na Maestro. Habang sina Kisumi at Levi naman ay dala-dala ang aming mga gamit sa ilang araw namin dito.

"Mauuna na kaming dalawa ni Io. Sumunod na lang kayo." mahinang saad ko sa dalawang binata bago sila pumasok sa loob.

Ngumisi si Kisumi "Sige, alam naman namin kung saan ito matatagpuan." natatawang saad niya sa akin at nauna nang pumasok sa aming tutuluyan.

"Hintayin niyo n lang kami roon. Sige na, pumunta na kayo roon." malumanay na wika namaan ni Levi at sumunod na rin kay Kisumi.

Huminga ako ng malalim at mabilis na pinagmasdan ang buong paligid. Maraming mamamayan ang naglalakad-lakad sa paligid at mapapansin na mayayaman ang mga ito base sa kanilang suot at mga palamuti. Nagtataasan ang mga naggagandahang mga bahay na gawa sa makinis na bato. Napakilinis din ng buong paligid.

Bago kami umalis sa Akademiya ay nakpagpaalam na ako kay Punong Maestro na kapag nakarating kami sa Bayan ng Clarines ay agad akong magtutungo sa kulungan. Sinabi ko sa kanila na nais kong malaman ang kalagayan ng aking mga mahal sa buhay n sina Nanay Agatha, Tatay Berto at Kuya Run. Nasasabik na akong makita sila.

Naalala ko ang usapan namin ng Emperador noon na hindi niya sasaktan ang mga ito kapag hindi na ako tumanggi sa pagkuha niya sa aking Grimoire. Kaya nananalangin ako na sana ay tumupad siya sa aming usapan. Gusto kong malaman ang kanilang kalagayan. Hanggang ngayon ay hindi ako mapakali na wala akong alam n impormasyon sa kanila.

"Tara na't naghahabol tayo ng oras." tipid at seryosong saad ni Io at nauna nang naaglakad sa akin.

Tahimik kaming naglakad ni Io habang suot ko ang aking itim na piluka at itim na pantapal sa kulay ng aking mga mata. Ngayon lang ako nakapaglibot nang maayos sa Bayan na ito dahil sa mga sakuna na nangyari noong unang beses akong magtungo rito. Naglalakihan ang bawat istraktura sa aming nadadaanan na animo'y dito napupunta ang lahat ng buwis ng buong Imperyo.

Ibang-iba sa Bayan na kinalakihan ko na payak at simpleng ang pamumuhay. Walang mga ganitong klase ng istraktura. Ang pinakamataas lamang doon ay ang Dambana ng mga Grimoire. Hindi naman namin nakukuha ang atensyon ng mga nadaraanan namin dahil maayos naman ang aming pananamit at nagmumukha kaming mga dugong bughaw.

Sinusundan ko lamang si Io dahil alam niya raw kung saan matatagpuan ang kulungan sa Bayan ng Clarines. Wala sa sarili kong pinagmamasdan ang napakalaking Kastilyo sa dulong bahagi ng Bayan na nakatayo sa ibabaw ng bundok. Kitang-kita ang Palasyong ito mula sa aming dinaraanan. Hindi mawala ang tingin ko roon.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon