Chapter 80

1.9K 139 39
                                    

Chapter 80


TITUS


Ngumiti si Glenn sa akin "Tuparin mo ang iyong layunin at misyon."

Labis kong ipinagtaka ang kanyang sinabi sa akin na at hindi ko makuha ang ibig niynag sabihin. Ano ang planong gawin ni Glenn? Hindi ko maintindihan dahil naguguluhan ako. May nagsasabi sa akin na may kakaiba siyang gagawin na ikabubuti ng laban na ito ngunit hindi rin mawala sa akin ang pagdadalawang isip dahil nawala na ang tiwala ko sa kanya.

Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa ay mabilis na nagpalipat-lipat ang pahina ng kanyang Grimoire. Nanlaki ang mga mata ko dahil mukha ng seryoso si Glenn na tapusin na ito. Nag-iba na ang ihip ng hangin at mas lalong lumakas pa ito. Marahas na nitong tinatangay ang aking maikling ginintuang buhok.

Ilang sandali pa ay nakita ko na inilabas ni Glenn ang kanyang baton at itinutok sa akin. Isang malakas na bugso ng kidlat ang lumabas sa dulo nito. Mabuti na lang at nakaposisyon ang aking mga paa at marahas na sinipa ang lup kung saan umangat ito bilang isang panangga. Pagtama ng kidlat ay gumawa ito ng napakalakas na pagsabog.

Napasinghap ako ng hangin "Seryoso na siya at ito ang lakas na ipinakita niya noong nakipag-away siya kay Milo sa loob ng Akademiya." mahinang saad ko sa aking sarili.

Mabilis akong napatakbo palayo at muling sinuri ang buong paligid kung bagsak pa ba si Gionne mula sa atakeng ginawa ko kanina. Nahagip siya ng aking mga mata na nakalampaso pa rin sa lupa kaya mabilis kong itinuon ang aking buong atensyon kay Glenn na nakangiti lamang sa akin. Nakatutok pa rin ang kanyang baton sa aking kinatatayuan.

Wala na akong sinayang na oras pa at marahas kong sinipang muli ang lupa kung saan lumabas sa aking harapan ang nagtutulisang mga tipak ng bato na gumapang patungo sa kinatatayuan niya. Dali-dali niyang sinira ang mga batong iyon gamit lamang ang isang bugso ng kidlat na ipinatama niya roon. Nagkawasak-wasak ang mga malalaking tipak ng bato sa lupa.

Napahinga ako ng malalim dahil higit na mas mataas ang pagiging eksperto ni Glenn sa paggamit ng salamangka dahil ito ang lagi niyang pinagtutuunan ng pansin. Kung si Gionne ay ginagamit ang elemento ng kidlat para sa kanyang pakikiglaban gamit ang espada. Si Glenn naman ay ginagamit ang elemento ng kidlat sa pakikipaglaban gamit ang kanyang baton.

Tinitigan niya ako gamit ang mala-kulay langit niyang mga mata "Titus..." mahina niyang wika sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ang pamumuo ng bilog na enerhiya sa ibabaw ng kanyang baton. Ilang sandali pa, ilang piraso ng kidlat ang lumabas doon at dali-daling lumipad patungo sa aking direksyon. Dali-dali kong ginamit ang elemento ng hangin upang makalipad ngunit napansin ko na sinusundan ako ng kanyang salamangka.

Nagtagis ang aking bagang dahil higit na mas mabilis ang kidlat kaysa sa hangin kaya ilang segundo na lang at madidikitan na ako nito. Habang lumilipad palayo ay naalala ko ang binanggit sa akin ni Glenn kanina. Subukan ko kayang gawin iyon? Wala naman mangyayaring masama sa akin lalo na't kaya ko naman pagalingin ang aking sarili gamit ang elemento ng tubig.

Agad akong huminto sa aking paglipad at mabilis na hinarap ang mga kidlat na tatama sa akin. Wala na akong sinayang na oras at itinutok ang aking baton rito at naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng enerhiya na tumama sa buo kong katawan. Marahas akong napasigaw dahil ramdam na ramdam ko ang init ng boltahe ng kidlat na tumama sa aking katawan.

Suminghap ako ng hangin "Glenn!" malakas kong sigaw habang pinagmamasdan siya sa ibaba.

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko na unti-unting nagtutungo sa aking mga braso papunta sa aking baton ang salamangka na ibinato sa akin ni Glenn kanina. Totoo nga ang kanyang sinabi na kapag elemento ay tumama sa taong gumagamit ng elementong iyon ay wala naman itong talab sa kanila. Bagkus maaari nilang ibalik muli ito sa taong gumamit ng salamangkang ito.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon