Chapter 26
TITUS
"Handa na ba kayong dalawa? Pagbilang ko lamang ng tatlo ay sisimulan na natin ang labanan ninyo." iritadong saad sa amin ni Maestra Raphaela habang nakapalibot sa kanyang likod ang aming mga kaklase.
Tumango ako at ganoon din si Ruhk na nasa aking harap. Nakangisi siya na para bang handang-handa na siyasa ikalawang bahagi ng aming unang pamantayang pagsusulit. Ako naman ay kinakabahan dahil alam ko sa aking sarili na wala akong panama sa binabaeng nasa harapan ko ngayon.
Matapos namin magkaayos ni Glenn ay naging abala na rin kami sa kanya-kanya namin paghahanda sa unang pamantayang pagsusulit na ito. Kahit na naghahanda rin sina Levi at Kisumi sa kanilang pagsusulit ay tinulungan pa rin kami ng mga ito. Kaya laking pasasalamat namin ni Ruhk sa dalawang iyon.
Si Levi ay tinulungan kami sa aming unang bahagi ng pagsusulit kung saan masusukat doon ang aming natutunan sa intelekwal na bahagi ng aming pag-aaral. Habang si Kisumi naman ay araw-araw kaming tinulungan sa aming pag-eensayo sa paggamit namin ng aming mga mahika.
Nagkaroon din ako ng pribadong pag-eensayo kasama si Glenn. Kaya laking tuwa ko nang sabihin niya na ang laki na ng naging pagbabago sa akin. Para raw hindi na raw ako iyong binata na walang kamuwang-muwang sa paggamit ng mahika noong nagkita kami sa loob ng kweba sa aming bayan.
"Ghorl, pasensya na kung hindi ako magpapatalo today. Alam mo naman Ghorl na iskolar ako kaya kailangan ko ng mataas na grado." natatawang wika sa akin ni Ruhk habang nakatutok sa aking direksyon ang kanyang baton na gawa sa bakal na may diyamante sa pinakadulo.
Umiling ako "Huwag kang mag-alala, kung ano man ang kahinatnan ng laban natin dalawa ay hindi naman magbabago ang tingin ko sa'yo. Ngunit asahan mo na hindi rin ako magpapatalo sa'yo." nakangiting sagot ko naman.
Huminga ako ng malalim at pilit na kinuha ang aking sariling konsentrasyon. Kinuha ko ang aking Grimoire na may napakagandang pabalat. Pinagmasdan ko muna ang limang bituin nito na sinasabihan nilang malas. Agad ko rin na kinuha ang aking kahoy na baton na iniregalo sa akin ni Glenn.
Naglabas ng kulay asul na liwanag na gawa sa enerhiya ang aking Grimoire habang ganoon din ang nangyari kay Ruhk na nag-uusok dahil sa lamig. Kumakalat na yelo sa pabalat ng kanyang Grimoire. Habang ang akin naman ay nagsimula na magkaroon ng tubig sa paligid nito.
"Hindi ko na patatagalin pa ito Ghorl. Uunahan na kita para matapos na 'to, Frostbite..." malumanay na sabi ni Ruhk kung saan lumabas mula sa dulo ng kanyang baton ang kakaibang usok.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na unti-unting gumagapang sa aking paa ang usok na mula sa kanyang baton. Huli ko na napansin na unti-unting tumitigas ang paa ko kung saan nagkakaroon na ito ng ilang tipak ng yelo. Bago pa makarating sa binti ko ang kanyang mahika ng itutok ko ang aking baton doon.
Huminga ako ng malalim "Scald..."
Agad na naglabas ng isang mainit na bugso ng tubig ang aking baton at mabilis na tumama sa mga paa ko. Hindi na natuloy pa ang pag-akyat ng kanyang Frostbite sa akin at tuluyan ng natunaw ang mga tipak ng yelong nakadikit dito. Hindi ko naman naramdaman ang init ng aking mahika dahil wala naman epekto sa akin iyon.
Walang sinayang na oras si Ruhk at dali-daling sumugod sa aking direksyon. Kaya naman agad kong inipon ang aking enerhiya upang makarating sa dulo ng aking kanang kamay kung saan hawak ko ang baton. Otomatiko na lumipat sa kabilang pahina ang aking Grimoire.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...