Chapter 47
TITUS
"Magandang hapon sa inyong lahat. Bilisan niyo at umupo na kayo sa harapan ko." mataray na saad ni Maestra Raphaela habang tinataasan kami ng kilay.
Napasinghap naman ako ng hangin at dali-daling umupo sa madamong lupa. Mataas pa ang araw dahil ala-una pa lamang ng hapon ngunit nagsisilbing panangga namin sa init ay ang anino ng maayabong na puno sa likod namin. Agad naman akong tinabuhan ni Ruhk at umupo na rin ang mga kaklase ko sa likuran namin. Bahagyang tinatangay ng hangin ang suot na itim na roba ng Maestra.
Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin kayang kontrolin ang mga salamangka sa Grimoire ni Milo. Bago mag-klase sa umaga ay nag-eensayo ako pati na rin kapag natapos na ang klase namin sa hapon. Wala akong oras na sinasayang at ipinagpapatuloy ko lamang ang aking nasimulan. Kahit na magkandapaso-paso ang mga kamay at braso ko ay ginagawa ko pa rin ito.
Ilang beses na rin akong napagalitan ng Maestro sa Pagamutan dahil halos araw-araw akong pumupunta doon upang gamutin ang mga paso ko sa balat na nawawala naman kinabukasan. Kinausap din ako ni Maestra Raphaela dahil nais daw akong makausap ng Punong Maestro matapos ang klase namin ngayon. Hindi ko pa nakakausap muling nakakausap ang Punong Maestro.
Kinalabit ako ni Ruhk "Ghorl, ano nanaman kayang ipapagawa sa atin ni Maestra Raphaela?" tanong niya sa akin.
Umiling ako dahil hindi ko rin naman alam ang ipapagawa sa amin ng Maestra ngayon. Baka iyong madalas lamang namin ginagawa na pag-sasanay ng aming mga mahika. Sa dalawang linggong lumipas, usap-usapan ng mga kaklase ko at ng ibang estudyante sa paggamit ko ng Grimoire ni Milo. Ilang beses din akong tinanong nina Ruhk, Kisumi at Levi ngunit nanatili akong tahimik.
Walang nakakaalam nang nangyari sa akin, kay Milo at kay Glenn. Tanging ang Punong Maestro at ibang Maestro na nagtuturo rito sa Akademiya. Kahit sina Ruhk. Kisumi at Levi ay walang alam at wala akong balak na sabihin sa kanila. Palagi akong pinuputakte ni Ruhk kung bakit hindi ko ginagamit ang Grimoire kong may limang bituin at palaisipan sa kanila kung bakit nagagamit ko ang Grimoire ni Milo.
Napagtanto ko nitong nakaraan na kahit kunin ng Emperador ang aking Grimoire ay hindi naman niya magagamit ito dahil pangalan ko ang nakatala doon. Kaya kahit papaano ay naibsan nito ang pag-alala ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nalalaman na sagot kung bakit nagagamit ko ang Grimoire ni Milo at ang mga salamngka na nakasulat dito.
"Ikaw talaga Hammond, palagi mong dinadaldal iyang si Constance. Tumayo nga kayong dalawa at pumunta kayo rito harapan." malditang saad sa amin ni Maestra Raphaela habang pinanlalakihan kami ng mga mata.
Napairap na lamang ni Ruhk at napabuntong hininga na lamang ako dahil nadamay nanaman ako sa kadaldalan niya. Agad naman kaming lumapit sa kay Maestra Raphaela. Ang mga kaklase ko ay nagsilapitan din sa amin na para bang interesado kung ano ang ipapagawa sa amin ni Maestra Raphaela. Muli akong napasinghap nang bahagyang tangayin ng hangin ang nakatali kong buhok.
"Irap-irap ka diyan, dukutin ko mga mata mo diyan. Makinig, nabanggit ko naman sa inyo noong unang araw ng ikalawang semestre na hindi lamang pag-eensayo ang gagawin niyo. Kayo ay sasanayin na rin na makipaglaban gamit ang inyong sariling mahika." mariin pagpapaliwanag ni Maestra Raphaela.
Tinasaan niya kami ng kilay "Simula sa araw na ito, hanggang sa pagtatapos ng ikalawang semestre ay tanging pagkikipaglaban sa isa't-isa ang gagawin natin. Ngayon pa lamang ay sinasanay na namin kayo sa magulong mundo ng mahika." dagdag pa niya.
Pinagmasdan niya kaming dalawa ni Ruhk "At ang magsisimula ay itong dalawang magkaibigan na ito. Kaya ipakita niyo sa amin lahat ang natutunan niyo sa ilang buwan niyong pag-aaral sa Akademiyang ito."
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...