Chapter 3

6.1K 333 43
                                    

Chapter 3


TITUS


"Bakit kailangan mangyari sa akin ang mga bagay na ito? Ano bang kamalasan ang nakadikit sa katawan ko?" natatawa kong saad sa aking sarili habang sa matigas at konkretong daanan na pinagdikit-dikit ng malalaking bato.

Hindi ko maiwasan na matawa sa mga nangyayari. Para bang gulat na gulat pa rin ako at hindi makapaniwala. Parang kanina lamang ay natutuwa ako kasi inaasahan kong makakakuha ako ng aking sariling Grimoire ngunit kahit sa ikat;long pagkakataon ay hindi ako biniyayaan nito. Ito pang nangyayari, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinapahanap ng Imperyo ang mga kalalakihan na walang taglay na mahika.

Hindi ko matanggap na lilisan ako sa aming bayan sa ganitong sitwasyon dahil ipinangako ko lang noon na aalis lamang ako kapag nagkaroon na ako ng aking sariling Grimoire. Hindi ko alam kung saan ako tutungo ngayon, para bang wala nang kapalaran itong buhay ko. Hindi rin mawala sa isipan ko ang labis na pag-aalala sa dalawang tinuring ko ng mga magulang.

Ano kaya ang gagawin ng Imperyo kay Nanay Agatha at Tatay Berto kapag hindi ako naabutan ng Kawal ng Imperyo na wala na ako sa bahay na iyon. Nag-aalala ako dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa kanila kapag nalaman ng Imperyo na pinatakas nila ako.

"Kanino ko kaya nakuha ang ganito katinding kamalasan sa mundo. Wala nang nangyaring maganda sa buhay ko." tatawa-tawa kong saad sa aking sarili.

Rinig ko ang malakas na pagtilamsik ng mga naipong tubig na nadadaanan ng aking pangyapak. Malakas ang kabog ng aking dibdib at mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa labis na kaba. Hindi ko na alintana ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa aking nanlalamig na katawan. Kailangan kong makapunta sa gubat at doon muna magpalipas ng gabi.

Tuluy-tuloy pa rin ako sa aking pagtakbo nang ilang sandali pa ay nakita ko ang napakalaking tarangkahan ng aming bayan. May mga kawal na nagbabantay sa paligid noon kaya kailangan kong maging maingat at huwag maging kahina-hinala sa paningin nila.

Tanging ang malalaking sulo sa gilid ng tarangkahan ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pangangatog dahil bahagyang umihip ang malakas na hangin.

Nang papalapit na ako ay dahan-dahan kong tinanggal ang aking balabal at itinapon ko rin ang pusod ng aking buhok kung saan agad nalaglag sa aking leeg ang mala-kulay gintong buhok na hanggang balikat ang haba. Nang mai-ayos ko na ang aking sarili ay mahinahon akong naglakad patungo sa tarangkahan na para bang wala lamang.

"Saan ka tutungo binata? Ilang minuto na lamang pagtapat ng buwan sa ibabaw ay isasarado na ang tarangkahan. Ang katulad mong menor de edad ay hindi na dapat nagpapagala-gala ng ganitong oras." malalim na wika ng isang kawal nang mapadaan ako sa kanyang harapan.

Huminga ako ng malalim at ngumiti na kahit mukhang nangangatog na ang aking bibig "Kinakailangan kong puntahan ang asawa sa kabilang bayan dahil nabalitaan kong isinilang na niya ang aming supling. Saka Ginoo, hindi na po ako menor de edad. May asawa't anak na ako." malumanay at mapagkumbinsing sagot ko.

Tumango ang kawal "Ipagpaumanhin mo na napagkamalan kitang menor de edad Ginoo, sige at humayo ka na patungo sa kabilang bayan upan makita mo na ang iyong bagong silang na supling. Bukas ka na lamang bumalik sapagkat hindi ka na makakapasok mamaya dahil sarado na ang tarangkahan. Binabati kita, bagong Ama." seryoso ngunit malaman na saad ng Kawal ng Imperyo.

Lumunok ako ng mariin at dahan-dahan lumakad papalabas ng tarangkahan, ito ang huling beses na madadaanan ko ito kaya nilasap ng mata ko ang itsura nito. Nang ilang metro na ang aking layo mula sa tarangkahan at papasok na ako sa gubat ay dali-dali kong tumakbo upang hanapin ang punong pinagtataguan namin noon. May ilang siyang kagamitan doon na magagamit ko habang nagpapalipas ako ng gabi at ng ulan.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon