Chapter 33
TITUS
"Salot ka! bakit nasa'yo ang Grimoire na iyan! Hindi mo ba alam na may dala iyang kamalasan! Lumayas ka rito! Huwag mo kaming idamay ng mga Anak ko sa sumpa ng librong iyan!" sigaw ng isang Ina sa kanyang lalaking Anak na binata na.
Malayo ang aking direksyon sa kanila ngunit rinig na rinig ko ang paghikbi ng lalaking may hawak ng aking Grimoire. Kagat labi siyang nakauyo habang sinisigaw-sigawan ng kanyang Ina. Nagliliwanag ang mga bituin ng napakagandang pabalat ng aking Grimoire. Pakiramdam ko ay hindi makapaniwala ang kanyang Ina sa nakuha niyang Grimoire.
Agad naman na napalitan ang lugar na animo'y usok na nawala. Pagkurap ko ng aking mga mata ay nasa loob ako ng isang lumang kwarto. Nakita ko roon ang isang Ama na umiiyak habang hawak-hawak ang kamay ng isang batang babaeng nakahiga sa kama na animo'y nahihirapan huminga. Nahagip din ng isa kong mata ang isang binata na may hawak ng aking Grimoire.
Nanggagalaiting siyang nilingon ng kanyang Ama "Nang dahil sa iyo at sa Grimoire na iyan ay mas lalong lumala ang sakit ng kapatid mo! Hindi ka ba naawa sa kalagayan niya ha?! Huwag na huwag mo nang ipapakita sa akin iyang pagmumukha mo!" malakas na sigaw nito.
Tuloy-tuloy lamang ang pagbuhos ng mga luha ng binatang iyon. Nararamdaman kong marami siyang gustong sabihin sa kanyang Ama ngunit walang boses na lumalabas sa mgha labi niya. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya na para bang ayaw niya rin naman mangyari ito at mas lalong ayaw niyang lumala ang sakit ng kanyang nakababatang kapatid.
Ilang segundo ang lumipas ay muling nagbago ang lugar sa pagkurap ng aking mga mata na nagbabadya nang bumagsak ang aking mga luha dahil nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nila. Para bang may karayom na tumutusok sa dibdib at puso ko kapag naririnig ko ang mga hikbi nila. Mariin akong napakagat ng aking pang-ibabang labi.
Rinig na rinig ko ang kaguluhan ng mga Kawal dahil nasa loob naman ako ng malaking palasyo kung saan naririnig ko ang malakas na pag-iyak ng isang Reyna. Animo'y wala na itong pakialam pa kung sino ang makakita sa kanyang pag-iyak ngunit punong-puno iyon ng paghihinagpis at galit. Dinuro niya ang isang binatang Prinsipe na may hawak ng aking Grimoire.
"Sinasabi ko na nga ba! Dapat hindi na kita pinabalik pa ng Palasyo nang makuha mo ang Grimoire na iyan! Nang dahil sa'yo... Nang dahil sa'yo ay nauwi sa trahedya ang paglalakbay ng aking minamahal na Hari! S-sana... S-sana ikaw na lang ang nawala!" nasisiraan na bait na wika ng Reyna sa Prinsipeng binata na hindi makapaniwala sa narinig na balita.
Nanlalaki lamang ang mga mata niya habang nanginginig niyang pinagmamasdan ang magandang pabalat ng aking Grimoire. Ilang sandali pa ay bumuhos nang marahas ang kanyang luha at kitang-kita ko sa kanyang mata ang labis na pagsisisi. Malakas niyang ibinato sa naglalakihang poste ng Palasyo ang aking Grimoire.
Napalitan nanaman ang mga pangyayari at lugar sa buong paligid. Ngayon ay nasa harapan kami ng isang maliit na bahay na gawa sa kawayan at dahon ng niyog. Napanganga ang bibig ko nang mapansin kong sinasapak ng isang binatang lalaki ang isa pang binata na may hawak ng aking Grimoire. Pumutok na labi nito ay dumadaloy na roon ang masaganang dugo.
Huminto ang binata sa pagbasag ng kanyang mukha "A-ang sakit! A-ang sakit sakit! Nang dahil sa sumpang dala ng Grimoire na iyan ay hindi na siya makakapasok pa sa Akademiya! S-sinumpa mo siya! S-sinumpa mong mawala ang kanyang mahika at kapangyarihan!" hagulgol na saad nito sa kanya.
Tuluyan nang bumagsak ang luha sa aking mga mata dahil hindi ko na matiis ang paghihirap nila nang dahil sa dala-dalang kwento ng aking Grimoire. Hindi man lamang nila maipagtanggol ang kanilang mga sarili na para bang tinanggap na lang nila ang kanilang mga kapalaran. Kitang-kita ko sa mga mata na hindi naman nila ginustong mangyari ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...