Chapter 81
TITUS
"Ahhh! Natalo mo ang aking mg Anak! Hindi talaga nagkamali ang Grimoire na ito sa pagpili sa'yo!"
Nagtagis ang aking bagang habang pinagmamasdan ang Emperador na nakaupo sa kanyang magarang silya na nakalutang sa ere. Nakatungkod pa ang kanyang braso sa gilid nito at nakalagay sa ibabaw ng kanyang kamao ang gilid ng kanyang ulo. Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang nakakalokong maamong mukha.
Duguan pa rin si Glenn na nakasalampak sa lupa at tuluyan na nawalan ng malay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ibinulong niya sa akin kanina. Pati ang kanyang kapatid na si Gionne ay wala na rin malay dahil sa mga atakeng natanggap mula sa akin. Tanging ang hahadlang na lamang sa akin upang kalabanin ang Emperador ay ang mga Kawal niya.
Napahinga ako ng malalim dahil rinig na rinig ko pa rin ang pakikipaglabaan nina Io, Kisumi at Levi sa hindi kalayuan. Kaya kailangan kong gawin ang aking makakaya lalo na't ayaw kong biguin si Glenn. Bahagyang umihip ang panggabing hangin at marahas na tinangay pakaliwa ang aking buhok. Tanging ang maliwanag na buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid.
Itinutok ko ang aking baton sa kanyang direksyon "Tapusin na natin itong larong ito. Ibalik mo na sa akin ang Grimoire ko!" marahas kong sigaw sa Emperador ngunit tinawanan niya lamang ako.
Napakunot lamang ako ng aking noo dahil sa ginawa ng Emperador. Ano kayang balak gawin nito? Gagawin din ba niya ang pakikipagsagupaan na ginawa niya noon sa akin nang unang beses akong makarating dito sa Bayan ng Clarines? O baka may itinatago pa siyang alas laban sa akin? Kaya hindi maaaring pakawalan ng aking mga mata ang kilos niya.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa magara niyang upuan. Ang kanyang pang-Maharlika kasuotan na ay nagniningning dahil sa liwanag ng buwan. Inaayos ko ang aking tayo habang pinapanatili ang pagtutok ng aking baton sa kanyang direksyon dahil marahas niyang kinuha ang kanyang matalim na espada sa kanyang gilid.
Patuloy pa rin ang kanyang malakas na paghalakhak na tanging iyon na lamang ang naririnig ko. Hindi ko maiwasan na kabahan sa knayang malumanay na pagtawa. Ilang sandali pa ay pinitik niya kanyang mga daliri at narinig ko na lamang na may nagmamartsang mga Kawal patungo sa aking direksyon.
Nanlaki ang mga mata ko "Mayroon pa palang idadami itong mga Kawal na ito." mahinang bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan sila.
Habang sinusuri ng aking mga mata ang mga Kawal ay napansin ko ang dalawang taong kinakaladkad nila na may sako sa kanilang ulo. Punong-puno ng galos ang dalawang iyon at tanging katsa ang kanilang mga suot. Hindi ko makilala kung sino ang mga ito dahil may mga takip ang kanilang mga ulo at hindi ko makita ang kanilang mga itsura.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil animo'y napakapamilyar nila sa akin. Kaya hindi ko matanggal ang aking tingin sa dalawa. Para bang nakita ko na sila kahit na hindi ko pa nakikita ang kanilang mga mukha. May pamilyar na sensasyon na dumadaloy sa buo kong katawan na animo'y nais kong tumakbo patungo sa kanila at yakapin sila ng napakahigpit.
Unti-unting bumaba sa lupa ang Emperador mula sa pagkakalutang sa ere "Titus, alam kong magugustuhan mo ang surpresa ko sa'yo ngayon." malumanay na wika niya sa akin at naglakad patungo sa dalawa na nakasalampak na sa lupa.
Kitang-kita ko ang paggalaw ng mga katawan nila nang marinig nila ang aking pangalan. Animo'y nagpupumiglas ang kanilang mga kamay upang tanggalin ang sako sa kanilang mga ulo upang makita lamang ako. Hindi ko maiwasan na mapakagat ng labi dahil may namumuong init sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...