Chapter 4
TITUS
"T-tulungan mo ako..." pagsusumamo ng isang malalim at baritonong boses ng lalaki.
Hindi na ako nag-atubiling lapitan siya upang alalayan sapagkat pakiramdam ko ay ilang sandali na lamang ay tutumba na siya. Nararamdaman kong kinakailangan niya akong aking tulong. Para bang may nag-uudyok sa aking isipan at katawan na gawin ito. Saka hindi naman ako nakakaramdam ng kakaibang presensya sa kanya.
Kahit na bahagyang nabasa ang bago at tuyo kong damit ay wala na akong pakialam pa. Ang tumatakbo lamang sa aking isipan ngayon ay kung anong gagawin ko sa kanyang mga sugat na patuloy na nagdurugo. Huminga na lamang ako ng malalim dahil sa bigat ng kanyang katawan. Halos hindi siya na makahakbang pa papunta sa banig na kinahihigaan ko kanina.
Agad kong inilagay ang natitira kong lakas sa aking mga braso at dahan-dahan siyang inilapag sa malinis na banig kung saan bahagyang nakatapat sa kanyang direksyon ang apoy. Halos maubos na ang kanyang suot na damit dahil gutay-gutay na ang mga ito na para bang sumugod ang lalaking ito sa isang madugong labanan.
"Huwag kang mag-alala tutulungan kita. Kapit lang, hindi ka mawawala. Gagawin ko ang aking makakaya upang gamutin ka."
Huminga naman ako ng malalim at dahan-dahan na hinubad ang kanyang damit na puting pang-ibabaw. Kinakailangan na niyang makapagpalit na kaagad ng kasuotan upang hindi na siya lamigin pa, pakiramdam ko anumang minuto ay lalagnatin siya dahil na rin sa mga natanggap niyang sugat sa katawan.
Tumambad sa akin ang matipunong katawan ng lalaki. Pakiramdam ko ang init-init ng mukha ko dahil sa nakita. Bumuntong hininga na lamang ako dahil nakita ko rin ang kanyang mga sugat na may kalaliman at kahabaan. Agad kong kinuha ang isang malinis na basahan at bahagyang binasa ito upang linisin ang kanyang mga sugat para hindi ito maimpeksyon pa.
Pagkatapos ko siyang linisan ay inilabas ko ang mga lumang puting benda sa baul at agad na ibinalot sa kanyang mga sugat upang pansamantalang tumigil na ang pagdurugo nito. Bahagya pa siyang umungol dahil na rin sa sakit ng mga sugat niya.
Nang mai-ayos ko na ang kanyang pang-ibabaw dahil agad ko rin siyang sinuotan ng damit, ay agad din akong napunta sa kanyang pang-ibaba kasuotan. Halos maubos na ito dahil na rin sa pagkakapunit nito mula sa kanyang mga nakalaban.
"P-pasensya na, kailangan kong gawin ito upang mailigtas ka." nanginginig at nauutal kong saad sa kanyang walang malay na katawan.
Napakagat ako nang dahan-dahan kong tinanggal ang uhales ng kanyang mahabang pang-ibaba. Napapikit na lamang ako dahil pakiramdam ko mabilis na nag-akyatan sa aking mukha ang aking dugo. Nakita ko ang kanyang puting salawal o pangloob kung saan may naka-umbok doon. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko naninikip na ang dibdib ko sa sobrang kaba!
Ito ang unang pagkakataon na magawa ko ito kaya hindi ako pamilyar sa ganitong bagay ngunit pakiramdam ko ay sinusugod ng buhay ang katawan ko dahil sa sobrang init. Mabilis kong ibinaba ang kanyang pang-ibaba at tumambad sa akin ang hanggang tuhod niyang puting panloob. Lumunok na lamang ako nang mariin at dali-daling isinuot sa kanya ang malinis at tuyong pang-ibaba.
Mabilis akong napasinghap ng hangin nang makita ko ang mahimbing niyang pagkakatulog. Ipinatong ko na rin sa kanya ang aking kumot upang hindi na siya lamigin pa dahil patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Nagdagdag din ako ng ilang sanga ng puno upang kahit papaano lumakas ang taglay na init nito.
"Salamat naman sa Diyos at ligtas ka na. Huwag ka lang sanang lagnatin dahil wala akong dala-dalang mga herbal at walang mga naka-imbak na gamot rito sa sikretong kwebang ito." nakangiti kong saad habang pinagmamasdan ko ang kanyang maamong mukha.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...