Chapter 8

5.5K 296 35
                                    

Chapter 8


TITUS


"Bakit umiiyak ka? Ano bang nangyari sa inyo ng kawal kanina? Hindi na kita nagawang tanungin pa dahil abala ka sa iyong pag-iyak." bahagyang natatawang pagtatanong sa akin ni Glenn kinagabihan matapos namin makaalis ng aming bayan.

Ilang oras na ng huli kong makita si Kuya Run ngunit tuluy-tuloy pa rin ako sa aking mahinang paghikbi habang kami'y naglalakbay sa mga susunod na bayan na amin madadaanan. Hindi ko pa rin matanggap na ng dahil sa akin ay kasalukuyang kinulong ng mga kawal ng bayan ang aking mga tinuring na mga magulang.

Siguradong hulog sa akin ng Diyos ang nangyari sa akin kanina. Kaya labis akong nagpapasalamat sa kanya dahil kanina pa ako nahuli ng mga kawal kung hindi si Kuya Ruhk ang humalughog at nanaliksik sa aming karitelang sinasakyan. Kung ibang kawal iyon, kanina pa ako pinahihirapan ng mga kawal ng bayan sa marungis na kulungan ng bayan.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon dahil maraming buhay na ang nagsakripisyo sa akin para lamang sa pangarap na minimithi ko. Una ang mga pangalawang magulang ko na sina Nanay Agatha at Tatay Berto, pangalawa naman ay itong si Glenn at panghuli naman ay si Kuya Ruhk. Nakasalalay sa akin ang kanilang mga buhay kaya hindi ako maaaring mahuli.

"Huwag kang mag-alala kapag nakarating tayo sa bayan ng Francia ang kapitolyo ng Imperyong Wistalia ay magiging malaya ka na. Doon hindi mahigpit ang batas at maraming imigrante na galing sa iba't-ibang bayan ang nagpupunta roon." nakangiting dagdag pa ni Glenn habang iniihaw sa nagbabagang apoy ang kanyang isdang binili kaninang umaga sa talipapa ng Slavia.

Huminga naman ako ng malalim habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan na sinamahan ng mga nagkikinangang mga bituin sa kalangitan. Marahan ko naman na isinandal ang aking ulo sa kanyang matipunong balikat. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko ngunit hindi naman siya kumibo. May gusto akong sabihin sa kanya ngunit pakiramdam ko nag-aakyatan sa aking mukha ang lahat ng dugo ko sa katawan.

"Alam mo Glenn... Kung wala ka at hindi kita nakilala sa mga oras na ito... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro kapag nabalitaan ko ang mga nangyari kay Nanay Agatha at Tatay Berto ay kanina pa ako nagpahuli sa mga kawal at lumuhod sa kanila upang pakawalan ang mga matatanda..."

Nanatili akong pinagmamasdan ang magandang at bilog na bilog na buwan sa aking harap. Ilang sandali pa ay umihip ang malakas na pang-gabing hangin kaya bahagyang tinatangay nito ang aking may kahabaang buhok. Kung wala ang lalaking nasa tabi ko ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka tuluyan na akong masiraan ng bait at ulo.

Habang pinagmamasdan ang kumikinang-kinang na mga bituin at nakita ng aking periperal ang pagguhit ng matamis na ngiti sa labi ni Glenn. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti rin dahil may kakaibang hatak ang kanyang maaamong mukha na kapag ngumiti ito pati ang mga taong tumititig at tumitingin dito ay mapapangiti rin.

"Hayaan mo at gagawin ko ang makakaya ko upang ikaw ay makapasok sa Akademiyang pinapangarap mo noon pa."

Ilang araw ang lumipas mula ng gabing iyon, mas lalo kaming naging malapit ni Glenn sa isa't-isa. Halos naikwento ko na sa kanya ang aking buong talambuhay liban sa isang pangalan, si Milo. Hindi ko pa nababanggit sa kanya ang taong ito. Naikwento ko na sa kanya kung sino ang mga mgulang ko at kung nasaan itong mga ito. Naihayag ko rin ang mga karanasan ko noong bata ako lalo na't wala nga akong mahikang taglay, tampulan ako ng tukso.

Sa ilang araw naming paglalakbay gamit ang karitela, napadaan din kami sa iba't-ibang bayan ng Imperyo ng Wistalia. Sa bawat bayan na nadaanan namin, para bang kilalang-kilala ng mga tao itong si Glenn kaya naging madulas at mabilis ang aming pagpasok at paglabas sa kanilang teritoryo.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon