Chapter 68
TITUS
"Umaga na pala, may klase pala ngayong araw." saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang sinag ng araw na pumapasok sa aking bintana.
Magang-maga pa rin ang mga mata ko sa matinding pag-iyak ko kagabi. Halos hindi ako makadilat ng maayos dahil sa sakit nito. Ayaw ko sanang pumasok ngayong araw. Pakiramdam ko ay babagsak ang katawan ko. Wala na rin akong nagawa at bumangon na upang maghanda sa pang-umaga kong klase dahil baka mahuli ako.
Nagtungo ang Panganay na Anak ng Emperador dito sa kwarto ko ngunit hindi ko na siya pinagbuksan pa ng pinto. Pakiramdam ko ay masusuka ako kapag nakita ko ang mapnlinlang niyang mukha. Saka wala naman siyang kailangan ipaliwanag sa akin. Hindi ko na rin aalamin kung bakit niya iyon nagawa sa akin. Wala na akong pakialam pa.
Balik sa dating gawi ang mga estudyante sa Akademiya. May klase ngayong araw kahit na may kaganapan dito sa Akademiya kahapon. Hindi ko na alam ang mga nangyari kagabi dahil maaga akong nakatulog. Suot ang aking puting uniporme at itim na roba ay mag-isa akong nagtungo sa hapag kainan upang kumain ng almusal bago pumasok sa klase ni Maestra Raphaela.
"Titus!" mahinang tawag sa akin ng Anak ng Emperador sa hindi kalayuan.
Agad akong lumingon sa paligid bago ako pumasok sa hapag kainan ngunit wala naman kong nakitang ibang tao roon bukod sa akin. Kung ano-ano nanaman pumasok sa isipan ko. Wala naman na ata siya rito dahil baka sumama na siya sa kanyang Pamilya kagabi. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tahimik na umupo sa lamesa.
Matapos kong kumain ay wala sa sarili kong pinagmasdan ang Grimoire ni Milo na nakapatong sa lamesa. Sabihin ko na kaya sa Punong Maestro na nawawala si Milo. Hindi kasi ako makalabas para maghanap-hanap kung nasaan siya. Noong nakaraang taon pa ako nag-aalala kung saang lupalop siya nagtungo matapos niyang umalis dito sa Akademiya.
Wala naman akong nakasalubong na mga kakilala ko kaya agad akong nagtungo sa aking silid aralan. Maaga pa kaya kakaunti pa lamang ang mga kaklase ko roon na pinagtitinginan ako. Hindi naman ako umimik at umupo na lamang sa tabi ng bintana upang pagmasdan ang mga nagtatayugang puno sa labas.
"Ghorl! Kgabi pa kita hinahanap! Saan ka ba nagpunta? Stress much ako sa'yo." malakas na saad sa akin ni Ruhk at dali-daling lumapit sa akin.
Hindi naman ako sumagot at nanatiling nasa labas ang aking tingin. Wala ako sa amor na makipag-usap ngayon dahil maraming bagay ang bumabagabag sa isipan ko. Tumahimik naman si Ruhk at umupo sa silya sa aking tabi ng wala siyang makuhang sagot sa akin. Bahagyang umihip ang pang-umagang hangin kaya marahan nitong tinangay ang nakalugay kong buhok.
Palaging nakatali noon ang hanggang balikat kong ginintuang buhok ngunit kanina ay wala akong gana na ayusin ito. Pinanatili ko lang ang ganito kaya pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Bahagyang natatakpan ng buhok ko ang aking mga mata. Ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na sa aming silid aralan si Maestra Raphaela.
"Magandang umaga at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nalalapit na ang inyong huling pagsusulit sa semestreng ito. Doon malalaman namin kung sino ang mga estudyante na karapat-dapat na manatili sa Akademiya sa susunod na semestre." seryosong saad niya sa aming lahat.
Kahit na wala ako sa pang-hapon namin na klase ay palagi ako kumukunsulta kay Maestra Raphaela sa mga aralin na kailangan kong habulin. Kapag may libre akong oras at hindi ako nagsasanay sa loob ng Grimoire ng Punong Maestro ay palagi akong tinuturuan ni Levi sa mga aralin. Kaya alam kong hindi naman ako nahuhuli sa kanila.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...