Chapter 51
TITUS
"Saan ka papunta Ghorl? Bakit nagmamadali ka? Katatapos mo lang kumain ah. Sasakit tagiliran mo niyan, sige ka." nagtatakang tanong sa akin ni Ruhk nang tumayo ako dahil tapos na akong kumain ng pananghalian.
Ngumiti ako "Ah, hindi na kasi ako pinapapasok ni Maestra Raphaela sa pang-hapon na klase. Utos kasi iyon ng Punong Maestro." malumanay na sagot ko.
Bakas na bakas sa mukha ni Glenn ang labis na pagtataka. Hindi ko kasi maaaring sabihin sa kanila ang gagawin ko. Saka sikreto lamang namin ito nina Kisumi, Levi at Io. Sumusunod lamang ako sa bilin sa akin ng Punong Maestro. Naiintindihan ko naman na kailangan namin itago ang nangyayaring ito dahil ayaw namin na malaman ito ng iba pang mga estudyante ng Akademiya.
Kinausap na rin ng Punong Maestro si Maestra Raphaela na hindi na ako papasok sa pang-hapon na klase. Agad naman niya akong pinayagan at siya na raw ang bahalang magsabi at magpaliwanag sa mga kaklase ko na magtatanong sa tungkol dito. Saka ayos lang naman daw dahil isang pagsasanay din ang gagawin ko kaya hindi naman ako mahuhuli sa klase.
Kumunot ang noo ni Glenn "Bakit? Anong nangyari?" tanong niya at mabilis na hinawakan ang palapulsuhan ko.
Marahan kong tinanggal ito "Mayroon lamang kasi akong kailangan asikasuhin tungkol sa pamilya ko. Sige na, baka naghihintay na sa akin ang mga kasama ko. Mauuna na ako sa inyo." nagmamadaling pagsisinungaling ko at iniwas ang aking tingin sa kanya.
"Ihahatid na kita, saan ka ba tutungo -----" hindi na naituloy pa ni Glenn ang sasabihin niya nang talikuran ko siya aat naglakad na ako palabas ng hapag-kainan.
Alam kong napaniwal ako si Ruhk sa pagsisinungaling ko ngunit alam kong hindi ito bumenta kay Glenn. Iyon lamang ang naisip kong paraan upang makaalis dahil mag-aala una na ng hapon. Alam kong alam ni Glenn na ngsisinungaling ako sa kanila. Lalo na nang banggitin ko ang salitang "Pamilya". Alam ni Glenn ang tungkol sa pamilya ko kaya labis akong nag-aalala.
Mabilis akong naglakad nagtungo sa pinakataas na parte ng Akademiya kung saan matatagpuan ang silid ng Punong Maestro. Hingal na hingal ako kasi sobrang taas ng hagdaan na paikot-ikot ang aakyatin upang makarating ito. Hikahos na hikas na ako lalo na't napakataas ng tirik ng araw sa labas. Ramdam ko ang nagtatagtak na pawis sa leeg at noo ko.
"Punong Maestro, si Titus po ito." malakas na wika ko habang kumaktok sa mataas na pintong kahoy ng kanyang silid.
Pinagbuksan naman ako ng isang Maestro at mabilis na ipinapasok sa loob. Doon nakita kong nakaupo sina Kisumi, Levi at Io na animo'y kanina pa naghihintay sa akin. May pinag-uusapan sila ng Punong Maestro na agad nahinto nang mapansin nila ang pagdating ko. Mabilis silang napatingin sa akin at dali-daling pinapalapit sa tabi ng tatlong binata.
"Narito na pala ang Baby ko. Titus! Come here to Daddy!" nakangising saad sa akin ni Kisumi habang winawagayway ang kanyang kamay sa akin.
Tumawa ako ng mahina "Anong ibig mong sabihin? hindi ko maintindihan ng wikang banyagang binaggit mo." saad ko kay Kisumi at tumabi sa espasyo ng upuan sa pagitan nila ni Io. "Magandang tanghali sa'yo Titus. Kamusta ang iyong pang-umagang klase? Nananghalian ka na ba?" malumanay na tanong sa akin ng Punong Maestro.
"Magpunas ka muna ng pawis mo." malalim na wika ni Io sa akin habang nakalahad sa aking harap ang isang puting panyo.
Ngumiti ako sa kanya "Salamat sa panyo. Hayaan mo, lalabhan ko muna ito mamaya at ibabalik ko na lang sa'yo bukas."
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...