Chapter 18
TITUS
"Ano Ghorl, una na me. Kaloka 'yung klase natin kanina. Di ko ineexpect na ganun pala ka-terror 'yang si Maestra Raphaela. Di ako maka-move on sa pagpapahiya niya sa akin kanina. Ano ba naman kasing malay ko sa kasaysayan ng mahika." wala sa sariling saad ni Ruhk sa akin nang lumabas kami sa aming silid aralan.
Alas-singko pa lamang ng hapon ngunit madalim na ang paligid at lumubog na ang araw. Mabuti na lang at hindi ako napahiya ni Maestra Raphaela kanina dahil nakasagot naman ako sa mga katanungan niya kanina. Ewan ko ba rito kay Ruhk kung bakit hindi siya makapagsalita habang nasa klase kami.
Napasinghap ako sa hangin ng lumabas na kami, agad na humiwalay sa akin ni Ruhk dahil sa kabilang ibayo pa ang kanilang dormitoryo. Kaya mag-isa akong naglalakad. Marami-rami rin estudyante ang mga nakakasabay ko na tutungo din sa aming dormitoryo. Tapos na rin kasi ang klase.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na kabahan sa kung anong mangyayari. mamaya sa aming kwarto. Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Milo matapos ang ginawa niya sa akin kanina. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa lalamunan sa labis na pagbilis ng kabog ng dibdib ko.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin ako sa aming dormitoryo. Marami-raming estudyante na ang nakapagbihis at papunta na sa hapag-kainan upang kumain ng hapunan. Hindi ko rin alam kung nasaan ngayon si Glenn dahil hindi ko siya nakasalubong sa pasilyo kanina.
Nang makarating ako sa aming kwarto ay tahimik akong kumatok upang malaman kung naroon na ba sa loob si Milo ngunit walang sumagot. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Maliwanag sa loob dahil sa mga nakasinding lampara at kandali ngunit agad na nanlambot ang mga binti ko sa nakita.
"A-anong nangyari rito?" nanginginig na wika ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ko na tinupok ng apoy at ang iba ay nasusunog pa.
Lahat ng kagamitan ko sa loob ng sisidlan na dala-dala ko bago ako magtungo rito. Mga alaala ng aking mga magulang at nina Nanay Agatha at Lolo Berto. Ang mga damit na ibinigay sa akin ni Glenn noong namili kami sa palengke. Kasabay ng pagbagsak ng binti ko sa sahig ang pagbuhos ng luha ko.
"Hindi ba't sinasabi ko sa'yo na ayaw kitang makita sa loob ng kwarto ko?" isang malalim na baritonong boses ang narinig ko mula sa aking likod.
Kagat labi kong nilingon si Milo na walang suot na pang-itaas at tanging maliit na kapiraso ng tela ang nagsisilbi niyang suot. Malalim ang tingin ng mga pula nitong mata sa akin na parang nag-babagang apoy. Dali-dali ko naman na pinunasan ang luha ko gamit ang itim na roba na suot ko.
"W-wala naman akong ginawang kasalanan sa'yo. B-bakit mo sinunog ang mga gamit ko?" nangangatal na tanong ko sa kanya.
Marahas niyang isinara ang pinto sa kanyang likod gamit ang isang paa. Dali-daling itong lumapit sa akin kaya naman agad akong napaatras habang nakasalampak sa sahig ng kwarto. Para akong sinusunog ng mga titig na nagpapainit sa kalamanan ko. Huli ko nang napansin na tumama na pala ang likod ko sa kanyang kama.
Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin "Ayaw kitang makita sa loob ng kwarto ko. May dalawang bagay lang akong sasabihin sa'yo. Aalis ka ng kusa sa loob ng teritoryo ko o papalayasin kita rito? Mamili ka." seryosong saad ni Milo sa akin.
Mariin akong napalunok habang pinagmamasdan ang kanyang morenong mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang laki na ng pinagbago niya. Mula sa kanyang itsura hanggang sa kanyang pag-uugali ay ibang-iba. Paano niya nagawang itapon ang ilang taon naming pagsasama at pagkakaibigan?
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...