Chapter 65

1.7K 136 18
                                    

Chapter 65


TITUS


"Handang-handa na ang buong Akademiya sa pagdating ng Mahal na Emperador." mahinang saad sa akin ni Glenn habang pinagmamasdan namin mula sa ibaba ang mga nagtitipon-tipon na mga Kawal.

Mamayang hapon ang dating sa Akademiya ng Emperador dahil magaganap na mamaya ang huling hapunan sa mga magtatapos ngayong taon. Wala rin klase ngayon ang buong Akademiya dahil nais ng mga Maestro na handa kaming lahat sa pagdating ng Emperador. Halos isang buwan din ang ginawang paghahanda ng Akademiya sa selebrasyon na ito.

Kahapon ay natapos na ang aming huling pagsasanay. Malakas ang aking loob na handa na ako kahit kinakabahan ako sa nangyayari. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko nang harapan ang Mahal na Emperador. Hahanap ako nang pagkakataon upang makausap ang Emperador tungkol sa estado ng aking Grimoire.

Pinaalala sa akin ng Punong Maestro na huwag akong makikipagsagupaan sa Mahal na Emperador lalo na't hawak niya sina Nanay Agatha. Tatay Berto at Kuya Run. Kailangan kong malaman ngayon kung ano ba talaga ang kanyang dahilan at rason kung bakit nais niyang makuha ang aking Grimoire na may limang ginintuang bituin.

Huminga ako ng malalim "Ito ang ikalawang beses na makkita ko muli ang Mahal na Emperador." malumanay na sagot ko kay Glenn.

Tumango siya ng tahimik "Sana bukas muli nang manumbalik ang lahat. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na aralin bukas." sumilay ang tipid na ngiti sa kyang maamong mukha.

Isang linggong hindi nakapasok si Glenn dahil hindi pa siya nakabalik kaagad sa Akademiya. May inasikaso raw kasi ang kanilang Pamilya kaya kailangan niyang manatili sa Bayan ng Clarines ng isa pang linggo. Sa pagbabalik ni Glenn ay animo'y ibang tao itong katabi ko. Nararamdaman ko na may mali sa kanya dahil palagi siyang tulala.

Kapag kinakausap ko siya ay animo'y lumilipad ang kanyang isipan. Madalas din siyang mapagalitan ng mga Maestro niya dahil wala ito sa kanyang sarili. Sinubukan kong tanungin kung may problema siya ngunit ningitian niya lang ako ng tipid at ipinaalala sa akin na huwag akong mag-alala sa kanya. Pinaramdam ko na nasa likod lamang niya ako anumang oras.

Kahit na walang balak si Glenn na ipaalam sa akin ang kanyang nararamdaman at problema ay hindi ito naging hadlang upang damayan ko siya. Marami akong utang na loob kay Glenn kaya kahit sa maliit na bagay ay sasamahan ko siya. Si Glenn ay laging tinutulak ang aking sarili kapag napapahinto ako sa aking nilalakbay. Kaya ganoon din ang gagawin ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyang braso "Kinakabahan ako ngunit kailangan kong alamin kung ano ang dahilan ng Mahal na Emperador kung bakit nais niyang mapasakanya ang aking Grimoire. Alam kong narito ka sa aking tabi kaya lumalakas ang aking loob." nakangiti kong saad sa kanya kahit pakiramdam ko ay nanginginig na ang mga labi ko sa kaba.

Tinitigan niya ako gamit ang kanyang maamong mga mata na kakulay ng kalangitan "Lagi lamang akong nasa likod mo at hindi kita pababayaan, magkasangga kaya tayo rito. Sana handa na ang emosyon mo sa malalaman mo mamayang gabi mula sa Mahal na Emperador." wika niya sa akin.

Ngumiti ako "Maraming salamat sa lahat Glenn. Ikaw ang pinakamahalaga kong kaibigan. Kaya kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong, lagi mong tatandaan na narito lamang ako para sa'yo."

Hanggang ngayon ay walang alam si Glenn tungkol sa aking sikretong pagsasanay kasama sina Io, Kisumi at Levi. Hindi rin kasi ako pinayagan ng Punong Maestro na sabihin ito sa kanya sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi na rin naman nagtanong si Glenn tungkol dito at hinayaan na lamang ako kapag umaalis ako sa hapon.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon