CHAPTER 63
Tanga! Tanga tanga! Bakit ba ako uminom kagabi?!
TANGAAAAA!!!!!
Nakakainis talaga! Hindi na naman ako nag-iisip! Aish! Nasabi ko na bang tanga ako?
Tanga!!!!
Eto ako ngayon sa kwarto ko, nakahilatay sa kama, absent na sa klase ng half day.
Sino ba naman kasing babaeng nasa matinong pag-iisip ang iinom ng Sunday night?
Wala.
So it means, tanga nga ako with a capital T and ten exclamation point!
Tok! Tok! Tok!
"Kim, eto na ang almusal mo." Huminga ako ng malalim bago ko pinapasok si ate Andeng.
"Salamat ate." Sabi ko sa kanya ng inilapag niya ang bed tray table sa harap ko na may omelet at hotdogs. Biglang nagningning ang mga mata ko. Shems! Gutom na gutom na pala ako. Alas nuebe na rin kasi ng umaga.
"Nahihilo ka pa ba?" Umupo siya sa tabi ko. Umiling naman ako.
"Hindi na ate. Okay na ako." Pinapak ko na ang breakfast ko.
"Ikaw kasing batang ka. Bakit ka ba kasi uminom?! Ki bata-bata mo pa lang, lasingga ka na! Jusmio!" Ngumuso ako habang may hotdog sa bibig ko.
Para naman to si kuya. Huhu! Hindi na ako natawa sa lasingga ni ate.
"Sorry na nga ate. Di na po mauulit." Eh kasi naman sina bes nakakainis kagabi. Kung saan-saan napapadpad ang topic!
Una, yung unang taon namin sa high school. Palagi pang tinatanong saakin ni bes kung naaalala ko raw ba ito o iyan. Edi syempre todo reminisce naman ako sa mga panahong kasama ko si Mike at masaya. Kumusta naman iyon eh malabo nga kami ni Mike di ba? Kaya naman tumango-tango lang ako sabay tungga ng T-Ice. Mabuti nga at wala sa harap ko si Mike kundi buko na. Naluluha na naman kasi ako. Cry baby na ata ako eh. Kainis!
Tapos bigla na lang nagshift ang usapan sa love. Hello?! Broken-hearted girl here!
Hindi ko alam kung nananadya ba sila o sadyang mga manhid at bulag lang.
Can't they see we're hurting?! Tss. Kaya laklak lang ako ng laklak sa sakit na naramdaman ko.
Tapos idagdag pa yung love song sa background..
"Hay nako. Basta siguraduhin mo na yan ha? Hindi ito ang unang beses na umuwi ka ng lasing. Pasalamat ka talaga kay Kyle at pinagtatakpan ka niya. At inumin mo 'yang gamot na sabi ng kuya mong gwapo, ha?" She said. Napatingin ako sa kanya na para siyang alien. Napansin naman niya ang sinabi niya
"Ah hehe. Ang ibig kong sabihin, mabait mong kuya. Pero ubod ng gwapo!" Parang pinipigilan niya ang kilig niya.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...