CHAPTER 65 ⭐ MIKE

19.5K 551 54
                                    

CHAPTER 65

***

Mike's POV

"Oh ano na bro? Ayos ka na ba?"

Tumango ako kay James kahit sa totoo ay hindi pa rin. Malabong mangyari yun sa ngayon.

Nandito kami ngayon sa bar. Pagkatapos akong itaboy ni Kim kanina at sabihing wala na siyang pakialam saakin at mas importante sa kanya yung lolo na yun, psh, dito ako dumiretso. Pagkatapos nung play rehearsal namin kung saan ko na naman siya nakita, dumaan muna ako doon sa likod ng building kung saan kami ni Kim tumatambay noon.

Pinuntahan ko yung puno at kinausap. Para nga akong baliw doon eh. Buti na lang walang tao kundi baka maheadline na naman ako, "Prince Mike kinakausap ang puno na parang baliw." Dyahe naman kung mangyari yun.

Ang sakit!

Pagkatapos ba naman ng lahat ng pagtitiis ko, gaganunin lang niya ako?

Oo alam kong nasaktan ko siya ng grabe. Oo, kasalanan ko kasi pinatagal ko pa ng ganito. Oo, isa akong walang kwenta para magpauto kay Stella.

Pero wala naman akong choice di ba? Wala.

Lumagok na lang ulit ako ng beer. Lecheng pag-ibig to!

"Oh bro, san ka pupunta?" Tanong ni Kirby ng tumayo ako.

"Magpapahangin lang." Sabi ko at dumiretso na ako sa may terrace ng club na to.

Nasa second floor kasi kami at may malaking terrace dito. Itinukod ko ang dalawang braso ko sa railings habang pinikit ko ang mga mata ko. May hawak akong bote ng alak sa isa kong kamay at iniinom ito paunti-unti.

Nagulat ako ng may pumulupot sa mga braso ko. Tiningnan ko ito and I saw a petite girl who's wearing a very figure-hugging dress. Ang ikli pa nito pero mukhang sanay na siya aa ganitong mga damit. Hay. Bakit ba kasi ang gwapo ko? Tsk.

Gwapo nga, pero di naman makuha ang puso ng mahal niya. Psh.

"You alone?" She asked seductively. She looks familiar though. San ko nga ba to nakita? Baka palagi siya dito sa club nina James. Malamang nga.

"Bulag ka ba? Can't you state the obvious? Tch." Inis kong sabi sabay balik ng tingin ko sa harap. Yes I'm pissed. At ganito ako kapag inis kahit gustuhin ko mang 'wag maging bastos. I just want to be alone.

"Ooh, feisty. I like that. I like you." Diretsa niyang sabi. Tss.

"Miss, can't you see? I don't want some company. So can you just look for someone else to flirt with? Leave me alone." Ayan tuloy at napastraight English na ako. Kainis naman kasi. Ang landi! I hate flirts kaya naman mahal na mahal ko ang KC ko eh. Simple at hindi malandi. Ugh! Si Kim na naman!

Lumagok na naman ako ng beer at pinilig ang ulo ko.

Parang na-offend ko siya sa sinabi ko pero hindi siya natinag.

"No! I'll stay with you Mike. Whether you like it or yes!" Mariin niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Yung hindi pambakla.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" She smirked and moved closer to me.

"Oh trust me darling, hindi lang yan ang alam ko tungkol sa'yo. I know everything about you." She traced my jaw with her finger and that sent shivers to my body. Kinilabutan ako doon kaya naman kinabig ko ang kamay niya.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon