CHAPTER 7:
SanaOrgs' Fest Day 1
Monday na! It means Orgs' Fest na ngayon. Pero hindi ako excited para mamaya at in fact kinakabahan ako dahil naalala kong ka-org ko si Mike. At isa pa, sasayaw ako ng hiphop! I never really tried doing that! Baka magmukha lang akong robot! Oh Lord patnubayan nawa ako mamaya.
Nawala na naman ako sa pagdadaydream ko ng tinapik ako sa braso ni Anne.
"Hoy Ms. Daydream! Nasa kalawakan ka na naman!" Nabigla ako kay Bea at tumingin sa kanya.
"Wah bes ayokong umattend mamaya!!!" Sanay naman na sa kaingayan namin ang mga classmates namin so deadma lang.
"Kumalma ka nga! Hindi ka naman mamamatay dun! At wag ka ngang sumigaw at hindi ako bingi!" Wag daw sumigaw pero siya din nga sumisigaw. Psh! Si bes Anne talaga.
"Hindi nga ako mamamatay, mamamatay naman ako sa hiya! GAHD!!!" Binatukan ako ni Anne at natauhan ako. Napabuntong hininga na lang ako.
Dumating na si Ms. Conde.
"Good morning class! As you all know, ngayon na papasok yung exchange students in our school. And so, for our class..Come in." Nagsenyas siya sa may pinto at pumasok na nga yung exchange student na last week pa kaming naiintriga. "Introduce yourself to the class."
"Hi, I'm Charmaine Young. I'm from San Diego, California. Nice to see you all." Nagsmile siya after magpakilala.
"Ooh, ang ganda rin niya ah. Sana maging friend natin siya!"
"Nosebleed tayo neto!"
"Mukhang mataray kaya oh."
"Oo nga, mukhang maarte rin."
Ang judgmental naman nitong mga toh! Kung makajudge, eh sila nga yung mataray at maarte! Che! Tiningnan ko siya at tama nga sila, maganda siya. Brownish curly hair, sobrang puti, hazel eyes at matangkad. Nahiya naman ang height ko sa kanya. Though hindi naman ako maliit. Pero mukha siyang manika. Ganda niya ah!
Pero teka, bakit parang pamilyar yung pangalan niya? Charmaine Young?
"Ok Ms. Young, sit beside.." tumingin-tingin si Ms. Tracey at nakita yung empty seat sa tabi ni Bes Anne. Katabi ko kasi sa may isle si Bea at katabi niya sa Anne. "..Ms. Reid over there." tinuro niya yung katabi ng upuan ni Anne. Pumunta naman agad si Charmaine doon. Nagtinginan kami nina bes at nagsmile. Nagbluetooth na..hehe!
"Hi! I'm Anne, and she's Kim and Bea. You're Charmaine right?" Agad pagpakilala ni bes saamin kay Charmaine. Ayaw din kasi namin siyang maOP pero at the same time ayaw naman naming magmukhang FC.
"Oh, yes.. Hi! You can call me Charm." Sabi niya at ngumiti saamin.
Ewan ba namin pero ang gaan ng loob namin sakanya. Ininvite namin siyang sumabay saamin maglunch since wala pa siyang kakilala. Pumayag naman siya. Hindi pala namin kasabay yung boys kasi may ginagawa daw sila. Tiningnan na naman kami ng mga tao. Nacurious siguro sa bago naming kasama. Nagkwentuhan kami sa cafeteria at marami kaming nalaman tungkol sakanya. Only child pala siya, at eto ang masaya..half Pinoy din siya! Ipinanganak at lumaki lang daw siya sa States pero nakakaintindi naman daw siya ng Tagalog.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...