CHAPTER 11

30.6K 1K 41
                                    

CHAPTER 11:
Paalam

***

"GO BES!!!!!!!! WHOOOOOOH!!!!!!!"

Kumakanta na si Bes Bea with the Choir. Grabe ang galing talaga. Ala-Pitch Perfect ang peg. Bongga! At siya ang bida ah! Grabe ang tilian dito sa audience. Tama pala talaga si bes, super gwagwapo ng guys sa choir. Nabusog na ako katitingin sa kanila. Haha! Joke lang. Busog ako kasi kakakain ko lang di ba?

Nagstart sila sa mellow love song with all the smoke effect, I know na pakulo yun ni bes, then niremix sa pop songs with all the simple dance steps! OMG so cool! Para tuloy gusto kong umakyat sa stage at magperform na rin. Lahat ng mga tao, especially guys, ay nakatutok sa kanya! I saw Charm and Anne na busy pa rin kapipicture kaya hindi ko na nilapitan. Nakita ko rin si James kasama si Kirby sa gilid kaya nilapitan ko na. Si Nathan kasi may pinuntahan na muna pero babalik din daw after. Naamuse naman ako kasi kahit tapos na ang Orgs' Fest bukas, gusto pa rin niyang makipagkaibigan saakin.

"Huy baka matunaw na yan si bes!" I teased James. Nagulat naman saakin at nahiya bigla. Haha! The face, so red!

"Ay Kim andyan ka pala!" Napakamot bigla sa ulo. Haha! Ang cute magblush ni pareng James.

"Yeah and that's okay. You can look at her as long as you want." Sabi ko at tiningnan ko siya ng nakakaloko. Bigla na lang kumunot yung noo niya.

"Oh..anyare? What's with the face?" He just shrugged.I looked around to where he's looking at.

Ohh..  That's why! Tsk Tsk. Tinapik ko ang balikat niya.

"Don't worry James, they're just admirers. I mean hello? That's Beatrice Watson onstage! And don't worry about him also. She's done with him remember? Wag ng maging jelly ace at di bagay sayo!" Sabay tawa ko. Bakit ba panay akong english? The adrenaline maybe!

Anyway, I tried to advise him and somewhat nakinig naman. Hay buti naman. Matindi kasi to magselos..as in! Ang haba naman kasi ng pila ng suitors and admirers ni bes Bea! Ex ni Bea yung lalaking tinutukoy namin. He's Zac pero matagal na yung nakabaon sa lupa. Haha, pinatay lang?

Bigla ko na lang na narealize na dalawa lang sila nina Kirby dito. O namiss ko lang yung isa? Hehe.Sige na nga aminin ko na. Gusto ko ulit siyang makita. Pero sana okay na yung mood niya. Ano kayang problema niya? Okay na kaya siya? Asan na kaya siya ngayon? Waaah nababaliw na ako kay Mike! Ayokong mabaliw! Baka lalo akong layuan ni Mike. No way!

"Gusto mong malaman kung nasaan si Mike?" tanong ni Kirby na nasa right side ko na. Hala! Ninja moves lang?

Natawa lang siya sa gulat kong reaksyon at tiningnan ako ng nakakaloko.

"Ah eh anong sabi mo?" Palusot ko. Kunwari mainggay kaya di ko narinig. Hehehe.. "I am looking for Justin noh, di niyo kasi kasama."

He rolled his eyes at me. Taray!

"You heard what I said. Deny deny pa kasi eh. Halata naman."

Ngumuso ako.

"Hoy ikaw, nahawaan ka na ba ng psychic powers ni bes Anne? No wonder, eh lagi kayong magkasama!" Sabi ko at ako naman ang umirap. Oh akala mo ikaw lang marunong niyan ah. Hmp!

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon