CHAPTER 19:
Lihim***
Mike's POV {Finally!}
Late na naman ako. Birthday pa naman ni mommy. Sina James kasi nag-alok pang maglaro ng basketball. Umuwi pa tuloy ako at naligo kaya nacaught-up ako sa traffic. Patakbo na akong pumasok sa hotel at nakita ko yung elevator na pasara na. Narealize kong kaya ko pang harangin at buti naman at nakaabot ako bago magsara.
Pagbukas ng elevator, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa napakagandang diyosang nakatingin saakin. Pareho kaming nagulat. Pumasok ako ng hindi nagsasalita, sobrang kinakabahan na kasi ako. Tiningnan ko yung buttons at nakitang sa 27th floor rin pala siya kaya di ko na naiwasang magtanong. Kaya lang nacaptured ako sa itsura niya. Nakapaa lang kasi siya at hawak-hawak niya yung heels niya kaya napaisip ako.
Bakit kaya kahit nakapaa lang siya at wa-poise na, she can still manage to look so beautiful so effortlessly? She looks so gorgeous in that black dress, simple yet beautiful. Well palagi naman talaga siyang maganda eh. Napangisi tuloy ako.
Pero bigla na lang siya naconscious at isinuot na yung heels niya. Parang nahihiya pa siya ng sumagot siya sa tanong ko. Ikaw ba naman biglang kausapin after kang iwas iwasan ng taong yun? Hay ang tanga ko talaga.
Napagkwentuhan namin kung bakit kami nandito. Gosh I missed talking to her like this. Wala naman sa paligid si Stella kaya sige lang. Paalis na sana siya pero gusto ko pa siyang makasama eh kaya napaisip ako bigla. Inalok ko siya na pumunta para sa birthday ni mommy. Yeah, partly ginamit ko si mommy as an excuse pero totoo naman eh. Double purpose na hehehehe. Damn I'm so good.
Sabi niya magtetext siya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang text. Gusto ko na siyang makita eh kaya tinext ko na. Kahit wala namang sinasabi si mommy, sinabi ko kay Kim na hinahanap at hinihintay na siya nito. Haha.. Para-paraan lang yan. Pero takte, bakit ako naglagay ng smiley face? Aish! Kaya ayun, after 3 minutes lang, nagreply na siyang papunta na siya. Napangiti nalang ako sa text niyang yun.
"Ui, ano bang nginingiti-ngiti mo dyan insan? Sinong katext mo ha? Chix ba yan?!" Tanong sakin ni Kent sabay smirk.
"Basta, makikita mo na lang siya." Sabi ko sakanya at tumayo kasi gusto kong salubungin sana si Kim sa hallway. Excited na eh!
Nagulat na lang ako ng pagbukas ko ng pinto kasi nasa harapan ko na siya. At ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. I felt my heart beat faster and my adrenaline came rushing as I look at her pretty brown eyes. Ayoko na sanang gumalaw pa at tumitig nalang sakanya pero bigla siyang nagstep back. Saka ko nalang napansing nakatingin na pala saamin yung family ko. God this is quite a scene! Nakakahiya talaga. Nagblush tuloy ako kaya tumingin ako sa gilid at inoffer ng pumasok si Kim. Parang bakla. Shet! Naririnig ko pa rin yung halakhak ni Kent. Loko talaga. Since kilala na ng family ko si Kim, hindi na siya naawkward after nung grand entrance namin.
She and mom started talking and telling stories. Eto naman ako kausap si insan Kent.
"Ui bro, si Kim yun di ba?" Tinuro niya si Kim. Tumango ako. Kilala na niya rin si Kim since kababata ko nga.
"Dαmn, she looks so beautiful now! Ang laki ng pinagbago niya ah. I'm not saying na hindi siya maganda 3 years ago, but pre iba na talaga ang dating niya." sabi sakin ni Kent.
"I know, right." Sabi ko at nagsmirk habang tinitingnan ko si Kim.
"May boyfriend na ba siya? Hindi mo pa rin ba siya nililigawan?" Siniko niya ako at tiningnan ng nakakaloko. Awkward yung tanong niya pero sinagot ko parin.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...