{ A/N: OMG last chapter na talaga to! Last kembot na to at..well, book 2 na hihi! Syempre may pasabog dito kaya READ BETWEEN THE LINES! Ayan, hope you enjoy reading! Mamaya sisingit ulit ako haha! }
EPILOGUE
Dumaan na ang exhibit ng club namin na talaga namang naging successful, ang Tribute to Seniors, ang signing of clearance, ang submission of projects..ang langaw, dumaan sa harap ko. Haha! And of course, dumaan na ang napakalaking pagsubok saamin ni Mike.
So now, here I am happily walking in the aisle side by side with my Prince Charming slash Superman na uber gwapo sa toga niya.
Yes, today is our Graduation Day! Grabe, ang bilis pala ng panahon. Parang kahapon lang, super excited ako sa first day of class ng first year and now, eto na at kukunin na namin ang diploma namin at iiwan ang aming second home for four years.
What a roller coaster ride!
Marami talagang ups and downs ang naranasan ko this highschool. Tumawa, umiyak, nasaktan, bumangon at ngayon, eto at puno ng kilig ang sistema.
Expect the unexpected nga naman.
Naghiwalay na kami ng landas ni Mike kasi sa right ang girls while sa left ang boys. Imbes na sa auditorim ang graduation namin, dito sa remarkable Winding Stairs ito ginanap. Paakyat na kami kasi sa taas ng Winding Stairs ang eksena namin tapos bababa na kami ulit at may ginawang stage dito sa malapit sa stairs. Bale, open nga ang space na'to kaya kung umulan man, I can make it through the rain ang peg namin. Haha! Pero sana naman hindi umulan kasi malulusaw ang makeup namin. Kumusta naman kami sa pictures noh? Dyahe much. At saka baka magkasakit kami eh may Graduation Ball pa kami bukas. Oo, meron pa! Exciting much!
Nakakakaba talaga na marinig ang graduation march song. Halo-halo ang nararamdaman ko as of this moment: saya---dahil sa wakas at nakapagtapos na ako ng highschool at nalagpasan na rin namin ang mga trials, lungkot---dahil iiwan na namin ang aming minamahal na paaralan (nosebleed haha) at magkakahiwa-hiwalay na kami ng ilang close friends ko for college at syempre kaba rin because we don't know what is instore for us in the next coming days.
Si bes Bea, pupunta na ng France for college. Sinabi na niya pala yung about doon kay James kaya inseparable ever since na sila. Noong una nga ay nagtampo si James kasi ilang linggo na lang pala niya makakasama si bes. Pero sa huli, he gave in at sinulit na lang nila ang bawat araw na magkasama sila. Ganun na rin si Nathan na sa ibang school na mag-aaral. Probably sa malayo iyon para makalimutan ang nararamdaman niya para saakin. Hay. Si kuya naman back to Korea na naman after Graduation namin. Mamimiss ko talaga sila. Huhu!
Pero saka ko na muna yan iisipin. Now is the time to celebrate. Gragraduate na ako! It's time to move on to a new chapter of our lives and that is college. Excited na ako sa college pero hindi ko talaga maiwasang malungkot dahil wala si bes Bea kasama namin sa EU. Hays. Palagi naman kaming magsSkype kapag may time. Sana nga ay makavisit kami doon or makauwi naman siya dito.
"Bes, wala pa ba si tita?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na kami. Di ko pa kasi nakikita si tita Yvette eh. Doon dapat siya nakaupo katabi ng mommy ni bes Anne na katabi ngayon ni mommy sa may back part.
"What's new? Alam mo naman yun, gusto laging grand entrance. O di kaya, mga upuan na lang ang maaabutan nun. Hayaan mo na yun bes." Mapait na sabi ni Bea at itinuon ang pansin sa stage.
Nagbuntong hininga nalang ako at tumingin na rin sa stage.
"If only Rex was here.." She mumbled but it was loud enough for me to hear. Hay, tama..
Nagsimula na ang ceremony at nagsalita ang President ng school sa harap. Eto na talaga! Napatingin ako kina Mike at nahuli ko siyang nakatingin saakin. Binigyan ko siya ng flying kiss. Hihi! Tapos lalo pa akong kinilig ng hinuli niya ito at nilagay sa lips niya na parang hinalikan ko na siya. Ayieeee!
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...