CHAPTER 31:
Puso***
RED: One word that describes the whole place.. Literally.
Flowers, banners, balloons, chocolates.. and the most amazing among all.. COUPLES. Oh scratch that. Sweet at nakakaumay na couples.
Yes you might have guessed it. Valentines Day ngayon, Araw ng mga Puso..
SELF AWARENESS DAY.
But we're not really feeling this day. In fact, nagluluksa kami ngayon. And when we say nagluluksa, pati sa suot namin.
Pagkarating namin sa school, all eyes were on us. Dati, kasi sikat kami o kaya nagagandahan (daw) sila saamin. Pero iba ang dahilan ngayon..ibang iba.
"Anong meron?"
"Bagong pauso ata."
"May namatay ba?"
Oo, ang puso ko. Muntik ko ng sabihin. Hay.
"Dapat pala nagblack din tayo! Ang Mystique Trio nakablack eh!"
"Oo nga! Kung pwede lang tayong umuwi. Hays!"
Nagkatinginan kami nina bes at tumawa. Okay, that was unexpected. Trend setter din nga pala kami dito, most especially si Bea. Pero today is not the right day to set a trend. We dress like this kasi ganito ang mood namin unlike ng mga taong nakared ngayon. Seriously? Ganyan ba sila talaga kaobedient sa school o kaengrossed sa idea ng Valentines Day?
Sa school kasi, we are encouraged to wear red since it's a non-uniform day naman tuwing V-Day. Pero ako, bitter as ever ay hindi sumusunod sa school rules. Tutal, 'encouraged' lang naman eh. At saka bigo ako so why celebrate V-Day in the first place?
Kagabi, hindi ako makatulog agad kasi nga hindi naman ako naglasing kahit gusto ko..para makalimot man lang. Kaya ayun, ang hirap makatulog lalo na't paulit-ulit na lang yung linyang yun na sinabi ni Mike sa utak ko. Ang sarap lang iuntog ang ulo ko sa pader para magka-amnesia ako at makalimutan ko ang lahat. Okay, I was exaggerating. Pero I was really close to doing that.
"Couples here, couples there, couples EVERYWHERE. Sige lang maging sweet lang kayo para langgamin kayo." Bea mumbled while we walk inside our campus. I'm sure inggit lang yan kasi on war sila ng babe niya ngayon. Bad timing naman kasi eh. Eto tuloy at may karamay ako ngayon.
Di ko pa rin alam ang pinag-awayan nina bes at mga boyfies nila. Ayaw din kasi nilang magshare. Hay. Pinabayaan ko nalang kasi private matter nga naman yun. Kung kailangan naman nila ng makakausap, nagsasabi naman sila eh. Kaya ngayon, shut up na muna ako.
"Hi Kim. Uhm, para sayo." Nagulat na lang ako ng biglang may nag-abot saaking bouquet. Aw, red rose? Thumbs down.
Anyway, kabatch ko siya, alam ko. Siya si JC Fuentes. Siya ay part (or should I say head) ng Swimming Team, debate club champion (Anne's club mate) and one of the hearthrobs. Mestizo at matalino.. What more can I say? At oo nga pala.. Pinsan siya ni EJ Fuentes na kaibigan ni Mike na gwapings rin.
Pero speaking of Mike. He's not Mike kaya never akong nagkagusto sa kanya. Sana sa kanya nalang ako nagkagusto noh? 'Di sana masaya ang Valentines Day ko ngayon at isa kami sa mga nakakaumay na sweet couples sa campus.
Isang malaking SANA.
Pero dahil may manners naman ako kahit sawi, nginitian ko siya at nagpasalamat na lang. Tutal kung hindi ko tatanggapin, maguiguilty lang ako. Syempre pinag-effortan naman niya yun na bilhin and his intention is good naman. And besides, flowers lang naman yun. Feel ko nga bagay sakin eh, para sa patay kong puso.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...