CHAPTER 20:
Usap***
Napamulat ako ng mata dahil sa liwanag galing sa sikat ng araw.
"AAWWHH!" Napahawak ako sa sintido ko. Ang sakit ng ulo ko! Jusme! Ano pang pinaggagagawa ko kagabi?
Bigla ko nalang naalala yung nangyari nga kagabi.
Shocks! Oo nga pala nagbar ako kagabi. Napainom din ako ng medyo marami ng di sinasadya. Sina Nathan, Tyler, Sab, Jazer at Xander. Tapos sumayaw ako sa dance floor dahil hinila ako ni Sab. Tapos..waaah! Di ko na maalala! Ay teka..
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang pamilyar na kwarto kung nasaan ako...sa kwarto KO. Teka! Paano ako nakauwi dito? At sino ang naghati sa'kin?!
Si kuya..wah! Oo nga pala si kuya! At si Mommy! Wah lagot na ako. I'm dead meat! Gusto ko ng magtago. Huhu! Gusto kong magdisguise..o kaya maging invisible!
"Aray!!!" Napahawak ako sa ulo ko. Ano ba naman kasi yan. Ang galaw-galaw ko! Tsk. Ang sakit talaga ng ulo ko!
Bigla nalang nagring yung phone ko. Ugh! Masyado pang masakit ang ulo ko para makipag-usap sa phone.
"So gising na pala ang magaling kong kapatid." May nagsalita kaya napatingin ako sa kinaroroonan ng pamilyar na boses. Nakasandal si oppa sa may pinto ko habang nakahalukipkip. Pinanliitan niya ako ng mata. Singkit na nga eh, lalo pang lumiit. Para na tuloy siyang walang mata. Haha! Napatawa tuloy ako.
"At talagang may gana ka pang tumawa sa lagay na yan ah?" Sarkastiko niyang sabi. Napatikom ako ng bibig. Lumapit naman siya sakin at umupo sa gilid ng kama ko.
"Ano? Masakit ba? Bakit ka kasi uminom? Di ka naman umiinom ah." Nasa serious mode si kuya ngayon. Nakakamiss rin pala talaga ang pag-aalala at pag-alaga ng kuya kong gwapo hehe. Hindi ko na naiwasang ngumiti. Kumunot naman ang noo niya.
"Kanina ka pa ha? Una tumawa ka, tapos ngayon naman ngumiti ka. Nababaliw na ba ang little sis ko? O sadyang nang-aasar lang? Umalis lang ako tapos----" Di ko pwedeng sabihin kay oppa ang reason ng pagbar ko. Sira lang? Ni di nga niya alam na iniiwasan na ako ni Mike eh. Na di na kami close. Tapos hinalikan pa siya ni Stella. Hays! I need to divert the conversation kaya niyakap ko siya.
"Oppa naman eh! Sorry na, promise di na ako iinom ng ganong karami ng di ko alam ang iniinom ko. Wag ng OA oppa. Namiss lang kita eh. Yang pag-aalala mo, yang pag-aasikaso mo. Sobrang namiss ko yan. Pati yang sobrang singkit mong mata na lalo ng nawala kanina pagpasok mo." Kumalas na ako sa pagkakayakap at nginitian siya. Tumaas yung kilay niya.
"Ah ganun ha?"
"Ahh stop! Araaay! Oppa! Haha! Ang sakit na lalo ng ulo ko!"
Hay salamat tumigil na siya sa pagkiliti sakin. Napagawak ako sa ulo ko. Leche lalong sumakit! Parang binibiyak na. Huhu! Ang sama ni kuya.
"Oh eto inumin mo tong gamot para mawala na yang sakit ng ulo mo. Sakit ka din talaga kasi sa ulo ko eh. Tsk!" Inabot niya sakin yung gamot at ininom ko naman agad. Ayokong sagutin yung tanong niya kaya nagtanong nalang ako.
"Oppa, alam ba nina mommy na...alam mo na." Tiningnan niya ako at nagbuntong hininga.
"No. I didn't tell them. Kung sinabi ko, di sana kasama ko sila dito at tinatalakan ka na." Tumango ako. Oo nga naman.
"Ah eh, sino ang naghatid sakin? Si Nathan ba? Sinong nag-akyat sakin dito sa kwarto ko?" Sino nga ba? Wala akong matandaan eh. Stupid alak!
Kumunot ang noo ni kuya at nanliit na naman ang mga mata.
"Nathan? Who's Nathan?"
Eh? Di niya kilala si Nathan? Ibig sabihin di siya ang naghatid sakin? Kasi kung siya, malamang tatanungin niya yun. Pero kung ganun, sino???
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...