CHAPTER 15:
BidaWah bakit ganito?! Di gumagana ang brain cells ko. Magaling naman ako magmemorize eh. Pero di talaga maabsorb ng aking utak! Magsisimula ako tapos pag natapos na, wala na, balik na naman sa umpisa! Fudge lang! Bukas na pati yung first screening. Kanina lang kasi binigay ng producer yung script eh! Kumusta naman yun? One day to memorize? Grace under pressure ba itey? Oh gahd! Napasabunot na ako sa ulo ko.
Ang hirap talagang maging artista. Pero mas mahirap ang main-love sa taong hindi ka naman makita-kita. Ayan na't naiconnect ko na naman.
"Ui bes! Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo? Nababaliw ka na ba?!" Sita ni Anne na naistorbo ko sa pagbabasa.
Nasa rooftop pala kami ngayon ng building namin. Dito kami tumatambay during vacant namin o kaya kung gusto namin ng peace and quiet atmosphere. Walang ibang estudyante ang pumupunta dito kaya halos teritoryo na rin namin to. May table set dito at beach umbrella kaya magandang tumambay dito.
"Oo nga bes. Anyare?" Napatingin din si Bea at Charm na busy kanina sa pag-uusap about sa latest fashion. Yeah girl thing.
"Eh kasi naman eh. Hindi ko mamemorize yung lines ko! Bukas na to oh, lagot ako nito. Wah!" Napakunot noo si Anne.
I read the first line and sighed after.
"On the stroke of twelve, the spell will be broken, and everything will be as it was before."
Kung si Cinderella ayaw niya yung mangyari, ako gustong gusto ko. Na sana pag dating ng alas dose, babalik lahat sa dati. Yung dati na magkasama pa kami ni Mike, masaya, nagtatawanan, sabay mangarap at nandiyan para sa isa't isa. Na sana dahil lang sa isang spell ang mga nangyayari saamin ngayon. Sana nga talaga isang fairytale na lang ang buhay ko para happy ending pa rin sa huli. Pero sabi nga nila, reality is better than fantasy because fairytale is just a fantasy na kahit kailan man hindi mangyayari sa reality. But who knows? Uso pa rin naman ang happy ever after sa real life di ba? Well, hindi nga lang sa lahat kaya nga may broken families, mga one sided love at syempre mga break ups. Sana nga lang hindi ako kasama dun. Sana si Mike ang prince charming ko! Sana lang talaga. Huhubels!
"Huh? Di ba magaling ka naman sa memorization? Sating tatlo nina bes ikaw ang may sharpest memory." Tumango si Bea.
"Oo nga. Baka naman kasi may iniisip ka? Ayieee!" Tiningnan ako ni Bea ng nakakaloko.
"Wala noh!" May iniisip ka dyan. Sino naman? Haha! "Talagang di lang nagproprocess ang utak ko. I'm so deadbrain right now. And I will really be dead kung magpatuloy pa to! Wah!" Tinampal ko sa mukha ko yung script.
"Eh, kumain ka na ba bes? Baka naman gutom ka?!" Napatingin ako kay Anne. Ay oo nga noh. Umiling ako.
"Di pa." Si Kitty kasi inubusan ako ng bacon kaninang breakfast. Ang taba ko na rin kasi daw sa takaw kong to. Ang mean talaga nun. Eh malalate na ako kung magpaluto pa ako kaya di nalang ako nagbreakfast tapos di pa ako naglulunch ngayon kamememorize eh. Oh jeez.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...