SPECIAL CHAPTER
{ A/N: Hi readers! This is a fun chapter I wrote just after their Graduation Ball. Reunion na rin nila to. Like I said, fun chapter to so enjoy! *wink* }
- - - ¤ - - -
Oh my! Bakasyon na rin sa wakas and good bye high school! College feels naman! Exciting!
Napagkasunduan ng barkada na magbonding kami ngayong araw. The beach outing was already set for next week before Bea, Charm and Justin's flight. Kaya naman eto at sinusulit na namin ang bawat panahong magkasama kami. We even invited Faye and Sab together with Lyn and Bree to join us.
At syempre, kapag nandyan si Faye, kasama din si handsome insan kong si Marky at syempre ang lovey dove din ni Sab na si Tyler. At syempre ulit, believing in the saying The more, the merrier, sinama na rin niya sina Xander at Jazer. Na syempre na naman, kasama din si Stella na fiancé nito. Yup, they're bound to be married---sina Stella at Xander! But they're still not a couple yet though. I ship XanLa! Parang sanla lang eh. Haha! Mas maganda talaga ang MiKim. Haha! Nagbubuhat ng sariling bangko.
Namiss ko tuloy si Nate. Kumusta na kaya siya? The last time I heard of him is noong Graduation ball pa namin. Ang alam ko kasi sa John Dale University siya papasok with Betty. I'm really happy for them though. Basta I know we'll meet again.
Nga pala, di makakajamming saamin ngayon sina Charm at Justin. Inaasikaso kasi nila yung pag-alis nila. They'll be coming with us on our beach outing though. Doon na lang kami babawi sa kanila.
"San na daw ba sila bes?" Tanong saakin ni Bea na excited ng makita ang boyfie niya.
"Chill bes, on the way na sila."
"Sigurado si Kirbs na naman ang nakapabagal doon." Sabi ni Anne na naglilipat ng channel sa TV namin. Eh tatlong channel lang naman ang pinagpipilian niya eh---National Geographic, Discovery and Animal Planet. How awesome is that? Haha!
Nasa bahay kasi namin kami. Basically, dito ang meeting place ng lahat kasi nagkayayaang magbasketball nalang daw ang mga boys. Syempre since mababait kaming girls, we agreed. Haha! Last super bonding din naman kasi nila ngayon sa basketball. Si James kasi sa ibang University mag-aaral--Sa John Dale University Cebu. Sa Easton din sana siya but then since wala naman si Bea, napilitan siya sa request ng mama nitong sa Cebu na lang siya. Doon kasi talaga sila nakatira kay pumayag na siya. Hay, nadagdagan ang aming kalungkutan.
Dumating na rin si Stella na nakashorts, floral top at wedge shoes. Nakashades pa nga ang ate mo at feel na feel ang invisible sun. Binati namin siya at since civil na kami, nakipagkwentuhan na muna kami sa kanya. Maya-maya, dumating si ate Andeng.
"Kim, nandito na yung ibang bisita mong mga babae." Sabi ni ate Andeng na kapapasok lang galing labas.
"Sige po ate, papasukin mo na po sila. At kung may dumating pa po, papasukin mo na lang po." Sabi ko kay ate. Tumango naman siya.
"Ang gaganda naman ng mga kaibigan ni Kim, pati siya. Nakakastress! Nasapawan ang beauty ko!" Narinig kong sabi ni ate sa sarili niya kaya napatawa ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...