CHAPTER 16

27.1K 741 46
                                    

CHAPTER 16:
Suspek

Today's the day, the day of the first part of the audition... the judgment day.

"Kinakabahan na ako bes. Oh my ghad!" Huminga ako ng malalim ng nasa may pinto na kami ng auditorium kung saan ang audition.

"Don't worry bes! Isipin mo na lang na isa lang tong singing competition."

"Yeah. And that if you won't get in, that Stella will get all the pleasure in the world being paired up with your Pillows and you will suck up watching them together again thinking again that it should be you on the stage with him and not her." Sabay ngisi ni Anne. Sinimangutan ko siya. Ano bang nakain nito ni bes at panay ang english?

"Woah! Grabe yun bes. Nosebleed ako dun ah." Tatawa tawa si Bea. Natawa na din kami ni Charm.

Tama din naman yung sinabi ni bes Anne. Actually yun yung main reason ko eh. Na wag mapunta yung role kay Stella kasi magiging partner niya na naman si Mike. Seeing her face looking at me like she was mocking me makes me wanna punch her square in the face! Aish. Nahawa na tuloy ako sa english ni bes. -_____-

"You can do it Kim! Show them what Kim Claudine Perez can do. Show them that you own the stage!" Sabi ni Charm na nakapaboost pa lalo ng self esteem ko.

"Woooh! Tama, kaya ko to!" Sabay kuyom ng kanang kamay ko sa ere.

"That's the spirit bes! Sayang nga lang di kami pwedeng manood..Bwiset kasing bantay yan eh. Iseduce ko kaya? O kaya bantaan? Ay hindi..upakan ko nalang para madali!" Naeexcite na sabi ni Bea.

"Hoy babae ka eskandalosa ka talaga. Behave ka nga dyan! Baka di pa ako paauditionin dahil sayo eh." Ngumiwi siya.

"Anyway, sige bes pasok na ako. Balitaan ko nalang kayo ha? Thanks for the support." Naghug kami bago ako pumasok.

Pumasok na ako only to find out na nagsimula na pala yung audition. Oh great I'm so dead. Sana nga lang di pa ako natatawag.

Pumunta ako sa may harapan at nagtanong sa staff kung pang-ilan ako. May nagdedeliver na rin ng lines sa stage kaya hininaan ko lang yung boses ko. Mabuti naman at pangalawa palang daw...pang-lima naman ako. Medyo konti lang naman kaming mag-aaudition kaya nga lang, napansin kong magagaling din sila. Hay more pressure.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid pero di ko siya mahanap. Alam niyo na kung sino. Nagulat na lang ako ng magvibrate ang phone ko.

Mommy calling..

Hala si mommy! Sinagot ko na.

"Hello mom?"

["Kim! What took you so long to pick up?]

Hala! Iritado ang boses ni mommy. So long? Wah baka di ko nahalata agad na tumatawag pala siya. Lagot!

"Ah eh mommy kasi po di ko nahalata agad na tumatawag ka eh. Nasa audi po kasi ako para sa audition sa play."

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon