CHAPTER 52:
Bihag"ACHOO!" Napadilat ako. Pero nasilaw ako kaya I adjusted my sight sa ilaw. May nakatutok kasi saaking spotlight. Nasa stage ba ako? Magpeperform? Di rin.
Ay! Ano ba yan. Bakit ang alikabok dito? Kaya pala ako napabahing.
Itim ang paligid at ni wala manlang kagamit-gamit except sa ilang upuan sa gilid at isa ring mesa. Mukhang lumang bodega ata tong lugar na to.
Eh? Anong ginagawa ko dito sa lumang bodega na to? Bakit ako nandito? At walang tao.
I tried to stand pero di ako makatayo.
What the heck? Bakit ako nakagapos?!
Nakatali ang mga kamay ko pati na rin ang mga paa ko. Waah! Para akong lechong baboy! Ouch. I'm not a pig. Pero wah! Dinukot ba ako?
Ang huli kong natatandaan ay nag-usap kami ni Stella. Masayang masaya pa nga ako kasi sa wakas ay magiging happy ever after na rin kami ni Mike! Alam ko na ang totoo at alam ko na ring mahalaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung mahal niya rin ako pero para gawin iyong iwasan ako para sa kapakanan ko? I guess I'm that special for him.
Ay teka, back to the story. So ayun na nga, umalis na akong cottage at iniwan si Stella. Gusto ko sana siyang tulungang maglakad kaso nasobrahan na ako sa excitement kaya umalis na ako agad. Saka I doubt na magpapatulong yun. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung kaawaan siya kaya hindi na ako nagtanong pa. Nakita ko na nga si Mike eh. Pero nang sisigaw na sana ako..
Oh no, may biglang nagtakip sa ilong ko ng panyo at wala na akong maalala.
Agad akong sinakop ng kaba. Sinubukan kong kalasin ang lubid sa kamay ko pero useless. Huhu! Sinubukan kong pakalmahin ang sarili at inisip na hindi makakatulong ang pagpapanic kaya dinaan ko nalang sa biro.
"Hello? Hinihintay na po ako sa salon. May appointment po kasi ako ngayon dapat eh. Ay teka, anong oras na ba?" I scanned the whole room. Shemay. Ni wala manlang bintana kaya di ko alam kung umaga o gabi na ba.
"It's time for you to suffer." A voice said. Di ko alam kung bakit pero nagsitaasan ang mga balahibo ko.
"Sino ka?" Nilibot ko ang tingin ko sa madilim kong paligid pero wala akong makita.
Tumawa siya na parang demonyo. Alam kong babae iyon.
"I'm your worst nightmare." Sabi niya ng seryoso.
"Where are you?" Worst nightmare?! Teka.. Tagu-taguan ba to?
"I'm everywhere Missy. I may even be haunting your dreams."
Dreams? Nightmare? Ang tanging bangungot ko lang naman ay.. OMO! No way, Kim. Kalma lang.. Hindi. Hindi maaari.
"Yeah right. Bakit ba ayaw mong magpakita? Ah, pangit ka siguro noh? An ugly---"
"What did you say?! How dare you!"
Haha! Sabi na eh. Laitin mo na ang lahat, wag lang kaming mga babae. Lalo na yung mga katulad niya. I can smell a bítch if I see one. Kahit nga di ko pa siya nakikita eh alam ko na. Parang si Stella lang kasi kung magsalita. Pero iniinis ko lang siya. And there's something about this girl eh. She sounds like Stella pero.. I can sense she's more.. difficult.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...