CHAPTER 40:
BisitaTumagilid ako sa kanan, tapos sa kaliwa ko naman. Hindi pa rin ako nakuntento kaya naman i faced the ceiling. Nakailang kambing na ba ako? One thousand seven hundred seventy seven.
Napaupo ako in frustration.
Takte naman oh! Hindi ako makatulog! Nafefeel ko na naman ang eyebags ko bukas. Magkikita na naman kami. Siguro kasi miss na niya ako. Huhu!
I checked at the time at alas tres na pala ng umaga. Wah! Devil's hour pa naman. Buti na lang may lamp shade ako. Takot talaga ako sa dilim!
Sabi na kasi eh, hindi ako papatulugin nito. Masakit talaga sa tiyan ang mga lalaki. Ugh! Bakit ba kasi nang nagpasabog si Lord ng kagandahan at talent, nasalo ko pareho? Ayan tuloy, ang haba ng hair ko. Haha!
Di rin.
T____T
Ugh. I hate you First Kiss Stealer. Ipapakulam kita para naman makatulog na ako.
Connect? Ugh. Bwiset. Nagmamalfunction na ang brain cells ko sa antok pero di naman ako makatulog. Mabuti na lang walang pasok bukas.
I think I'll survive. Lechugas!
.
.
***
Nagising ako dahil sa sigaw sa may pinto. Ugh, ang sakit sa ulo! Ilang oras lang ba ang tulog ko?
Bumangon na ako since hindi naman matigil si ate sa pangbubulabog sa tulog ko. Utang na loob! I badly need some rest. And it's Sunday for Pete's sake. Huhu! Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ako ginigising nito ni ate?
Nakita ko si Pillows. Oo, buhay pa siya kahit pa sinaktan ako ng old owner niya. Naalala ko pa yung gabing iniyakan ko siya kaya para na siyang sponge sa mga luhang inabsorb niya. Yung old owner niya kasi eh! At ngayon, siya na naman ang may dahilan ng magulong pag-iisip ko ngayon. Well, partly siya. Ang gulo niya eh!
Kinuha ko si Pillows at pinagsusuntok.
"Hoy Pillows, alam mo bang lagi na lang akong sinasaktan ng old owner mo? Ha? Nakakapagod na rin ha. Try mo kaya! Tapos ngayon naman bakit ang weird niya? Ano na naman bang trip niya ha? Kainis siya! Kakalimutan ko na siya! Magsama na sila ni Stella!" Nagulat ako ng may pumatak na luha kay Pillows.
"Shoot! Umiiyak na naman pala ako Pillows. Pasensya ka na at lagi na lang ikaw ang nagiging sponge ng mga luha ko. Ang sakit lang kasi eh." Tapos niyakap ko siya.
Patuloy pa rin ang pagkatok ni ate kaya sumigaw na akong lalabas na ako pero alam ko namang nasa labas lang siya. Hindi yan umaalis ng hindi ako lumalabas kasi noong una kasi, natulog lang ulit ako kaya ayun, bumalik ulit siya dito sa second floor. Medyo malayo pa naman itong room ko sa staircase. Kaya ayun, hindi na yan sumusuko si ate.
Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos. Para saan pa? Naghilamos lang ako at hindi na nagsuklay. Again, para saan pa?
Hays, antok pa talaga ako! Bakit ba kasi ang aga-aga nanggigising na?
"Kimmy! Ano na naman bang nangyari sayo?" Parang nakakita ng multo si Ate Andeng pagkakita saakin ng buksan ko ang pinto.
Teka, parang dejâ vû lang eh. I feel like a zombie again. Ang pagkakaiba lang, iba na ang rason ngayon. Hindi na yung... OMG, naisip ko na naman si RedStriker. Natatakot na naman ako sa banta niya.
You're next, Missy.
You're next, Missy.
You're next, Missy.
You're next, Missy.OMG. I cannot.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...