CHAPTER 14:
UmaasaEto na, eto na. Tanungin mo na siya. Simple lang naman di ba? Isang tanong lang.
"Ah..eh..A-Ano kasi.." Shoot! Bakit nauutal ako? Wah nakakahiyang itanong. Hindi ko kaya! Pero kailangan eh.
Nakatingin lang siya sakin. Huhu!
Andito kami ngayon sa caf. At oo, nag aatempt na akong magtanong kay Nate about dun sa kagabi. Though nasa isip kong siya na nga yun, syempre mabuti ang sigurado. Eh kung sakali kasi, nakapasok siya sa kwarto ko eh. Wah!
"Uhm, ikaw..b-ba yung--" Ayun, pinutol na tuloy ako ni Nathan.
"Kung ako ba yung nagdala sayo sa kwarto mo? Oo ako nga. Pinapasok ako ng katulong ninyo sa kwarto mo." Nakangisi siya. Wah bakit siya nakangisi? Huhu! Nakita niya eh. Nakita niya ang lahat! Nafefeel ko!!!!
"Ah eh. Nakakahiya naman sayo Nathan. Pero s-salamat pala dun. Uhm eh..ano..may n-nakita--" Huhu! Pinutol na naman niya ako. Ganon na ba ako kahalata? At hindi mawala ang ngisi niya.
"K-Poper ka pala ah! Oo, nakita ko ang lahat ng posters mo sa dingding. But don't worry." Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "It'll be our little secret." Kinindatan pa niya ako.
Tumaas yung mga balahibo ko. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa boses at hininga niya. Gosh ang sexy ng pagkakasabi niya kasi. Aish! Ano ba tong pinagsasabi ko?! Ang sarap iumpog ang ulo ko sa mesa. Tsk.
Pero nanlaki yung mga mata ko after magsink-in ng sinabi niya. Nakakahiya talaga! Nakita niya yung posters ko ng Shinee, EXO and my Labs BTS! Wah lupa kainin mo na ako. As in now na! T____T
"Hey don't worry KC. Wala namang kaso sakin kung k-poper ka. I still like you." Huh? Ano daw? Like?!
"As a friend." Dugtong niya pakakita sa reaksyon ko. Ah yun naman pala eh. Friend. Kinabahan ako dun ah.
"Eh nakakahiya pa rin sayo Nate. Pero thanks ha! At least andyan ka pa rin kahit nalaman mong fan ako ng kpop." Kasi naman ang ibang lalaki ayaw sa kpop. Yun bang ngingiwi marinig lang ang salitang kpop! OA ah. Kasi tingin nila sa boyband mga bakla. -___- Porke nagsskinny jeans at colored hair, bakla na? Pakita pa sa kanila ni Taecyeon baby ko ang abs niya eh! Tapos hamunin pa ng arm wrestling. Hmp! At sa 2PM pala siya. Haha! Ako na ang kpoper.
Tiningnan niya ako na may amusement sa mukha. May dumi kaya ako sa mukha? Naconscious tuloy ako.
"Nate?" Sabi niya na parang di sigurado sa narinig. Bakit kaya? Ayaw niya sa nickname ko sa kanya?
"Oo Nate. Tinawag mo akong KC, edi Nate na rin tawag ko sayo. Ang haba kasi ng Nathan hehe. Ayos lang din ba?"
Ngumiti siya. Tapos parang kuminang yung mga mata niya.
"Sure ba! Mas bagay nga sakin eh. Mas lalo akong gumwapo." Sabay ngisi niya. Natawa ako sa sinabi niya. Langya talaga oh. Conceited much. Hayaan na nga. Totoo naman eh. Haha.
"Sira ka talaga."
"Sa gwapo kong to? Hindi ako sira, KC. Gwapo lang talaga." Sabay kindat niya sakin. Ang hangin grabe!
"Sira ang ulo mo! Haha! By the way, thank you rin pala Nate sa binigay mo kahapon."
Magrereact na sana siya kaso may umepal. Isang malaking epal!
"Hey Kim." Tiningnan niya ako at tinaas yung kilay niyang sobrang nipis. Halos wala na nga eh. Haha! "Good luck sa audition sa musical play. Kakailanganin mo yan. I know naman kasi na ako ang makakakuha ng lead role kahit anong gawin mo. Don't worry, libre namang umasa!" Sabay tawa niya. Tumawa rin yung dalawa niyang alipores. Mga chakalets!
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...