CHAPTER 69
Kim Claudine Perez @kimchii
We're official na @iamfabmike XOXO ♡Ayiieee! Kinikilig pa rin talaga ako! We're official na talaga ni Boo ko. Hindi buko ha? Ehem! Ang cute ng tawagan namin noh? Ako ang nagsuggest niyan eh. Hihi!
Katatapos lang kasi ng birthday dinner ni dad na kasama ang family din nina Mike. Kasi di ba invited din sila. At kung tinamaan ka naman ng swerte..parang first official family meeting ng dalawa naming pamilya as a couple. At official na talaga kami! Hihi! Kaya eto at malaya na akong magpost sa social media accounts ko!
Tapos sa facebook naman! Nagchange status na ako from brokenhearted.. di joke lang---from single to finally IN A RELATIONSHIP. Capslock para instense! Yiiiii! Ang saya ko talaga..kinikilig ako! Haha!
Ay may nagtweet saakin!
Xenaida @wrongXENd
@kimchii Haha! Sa wakas nagbunga rin ang paghihirap namin. *evil grin* Blowout sa Monday ha? Wag kang tumakas kundi babye lenses!Grabe naman tong si Xen. Ang sama talaga. :( Nasa kanya kasi yung lenses ko sa DSLR ko. Magpapalibre pa! Eh pinahirapan lang naman niya kami sa photoshoot eh. Hm, kunsabagay.. maganda yung resulta dahil sa panghahamon niya saamin. At kami na nga! Finally nagsail na rin ang ship ng MiKim!
Nireplyan ko siya ng 'Oh sure!' pero ililibre ko lang naman siya ng fishballs. Hahaha!
"Sinong NBSB?! Hindi na ako!" Para akong baliw dito sa kama ko. Ang saya lang kasi sa pakiramdam. Kami na ni Mike! Kami na ni boo ko!
Pinost ko na rin ang picture namin kanina sa dinner sa instagram. Ayiieeee! First doufie namin as a couple yun kaya talagang di ako papayag na di ko yun mapost!
Mayroong option doon sa instagram na pwede mong mapost din ng sabay yung picture sa FB at Twitter kaya naman yun nalang ang ginawa ko para conserve energy.
Done!
Hay! Ang saya nga naman. Akalain mo Kim na after the two years na naloko ka lang pala at naniwala sa kasinungalingan na ginawa ni Stella...plus yung death threat at pag-iwas naman kay Mike dahil kay Tamara...who would ever thought na dito rin pala kayo hahantong?
Thanks to my BFFs.
I owe them everything. Sila ang naging sandalan ko sa madilim na panahon na yun, ang naging rason ng pagngiti ko, ang nagpapaalala saaking may ibang mga importanteng bagay pa at ang mga taong di nagsawang damayan ako at mahalin kahit halos naging baliw na ako dahil sa pag-ibig.
Kung wala sila, siguro hindi ako magiging masaya ngayon. May Tamara pa sana o kaya hindi na ako ang dating Kim. Zombie na siguro ako ngayon! Mabuti na lang talaga God gave me such kinds of friends. Kaya mahal na mahal ko yung dalawang yun eh.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...