CHAPTER 70

24.3K 490 20
                                    

FINAL CHAPTER
Then Epilogue ♡
Then Sequel...YAAS :)
Then Spin-off...of course!

* * *

CHAPTER 70

Bumaba na ako sa kotse ni Mike at umalis na siya kaagad pakakita ko kina bes na papalapit saamin. At gaya ng inaasahan, their faces were kinda pissed. Paghintayin ba naman ng isang oras. Hehe.

"Hi mga bes kong magaganda at mababait." Lumapit na ako at niyakap sila. They didn't hug me back. Aww. Hindi effective ang paglalambing ko.

"Sige bes, bola lang dyan. Pupunta ka niyan sa langit." Sarkastikong sabi ni Bea. Kumalas na ako sa yakap at ngumuso.

"Bes naman eh. Sorry na. Si Ilaw..este Light kasi binalak akong dukutin. Kaya ayun. Buti na lang at niligtas ako ni Superman kay fake Superman at fake FirstKissStealer." Nanlaki ang mga mata nila.

"Ano?! Inano ka ni ano?!" Sabay pa nilang sabi.

"Alam niyo may Magic Sing ako sa bahay, gusto niyo?"

"BES!"

"Oo na po! Si Light kasi nagpanggap na si Superman. Eh si Robinhood naman pala siya. Dakilang pretender." Sabay nguso ko ulit. Ako naman itong si uto-uto! Two times ng naloko. Aish!

"Robinhood?!" Tanong nila ulit. Hays.

"Aish basta bes! Ang dami niyong tanong. Aalis na ba tayo o aalis? Ano ba yung papakita niyo sakin?" Gusto ko na talagang malaman kung ano man yun!

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nila from curious to medyo serious.

"Hindi iyon 'ano' kundi 'sino'. Let's go." Hinigit na ako ni bes Anne at pumasok sa isang sikat na village. Village pala ito eh. Medyo malayo ito sa village namin pero malapit sa village nina bes Anne.

Saka lang nagsink-in yung sinabi ni bes. Sino daw? Bakit may papakilala sila?

Tumigil kami sa paglalakad at napansin kong nasa harap kami ng isang napakalaking mansyon. Mas malaki pa to sa mga mansyon namin nina bes eh! At ang gara talagang tingnan! Marami pang guards! OMG! *0*

Hindi na ako nagsalita at pumasok na lang kami sa gate. Syempre nagdoorbell muna sina bes at may lumabas na guard sa screen at may tinanong. May sinabi naman si bes Bea na hindi ko narinig dahil busy ako natitingin sa dami ng guwardiya at sa ganda ng bahay.

Napabalik ako sa mundong to ng hilahin ako ni bes papasok sa napakagandang mansyon. Shems! Naexcite ako biglang pumasok! May dancing fountain kaya sa loob? Saamin kasi amboring ng fountain sa harap ng bahay. Hindi sumasayaw!

"Woah! Ang ganda naman dito bes!" Sabi ko ng pagpasok namin sa gate. May fountain nga talaga pero kahit hindi ito sumasayaw, nag-iiba-iba naman ang kulay at mas malaki dun saamin at may mermaid pa. Ang ganda talaga! *0*

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon