CHAPTER 12

33.1K 988 64
                                    

CHAPTER 12:
Katanungan

Hindi man madaling tanggapin ang pagkawala ni lola, kailangan pa rin naming magmove-on. In fact, that's what she wants and I guess that's what we should really do. It's for the best.

Hindi muna ako pumasok for the day kasi alam kong wala namang papasok sa utak ko. Lutang pa kasi talaga ang utak ko. Pinaexcuse na rin naman ako ni daddy kaya kulong mode muna ako sa bahay. Nakailang balde lang naman ako ng luha pero ang sabi ko sa sarili ko ay bukas, magiging Kim na ako na mas matatag.

Nabalitaan nina bes yung nangyari through dad kaya pinuntahan nila agad ako nung lunch break. Natouched naman ako sakanila kasi worried sila para saakin yet at the same time, nalulungkot din dahil wala na si lola. Napag-usapan naming sabay-sabay kaming pupunta sa burial ni lola after ng klase nila.

Naubos na ata lahat ng luha ko kaiiyak for the past two days. Wala akong kinontact sa kahit kanino at nagkulong lang muna ako sa kwarto ko. Yakap-yakap ko lang yung paborito kong unan. Mukha na nga ata akong zombie eh. Kulang nalang pumunta ako sa garden para may plants! Gets? Ay ang slow naman kung hindi. Hays. Ampanget ng humor ko kapag depressed talaga. Baka maging katawa-tawa pa ang mukha ko sa joke ko. I feel so lifeless today.

Ang sakit pala ng mawalan, especially kung attached kang sobra. Pero kailangan ding bumangon kapag nadapa. Teka? Hindi naman ako nadapa ah! Hay nako..me and my crazy thoughts. Blame my emo mind.

.

.

.

Tuesday na at pumasok na ako sa school. Kailangan ko na rin kasing magpatuloy sa buhay ko. Alam ko namang masaya si lola kung nasaan man siya. I'll make her proud na lang. Gagayahin ko si lola na brave. I smiled at that thought.

"Bes, how are you na?" tanong ni Anne at nakatutok saakin. Pati rin pala yung dalawa ganun din. Napatulala na naman pala kasi ako. I sighed.

"Eto, medyo okay na rin kahit papano. Dapat na rin kasing magmove-on. Sabi nga ni lola noon, 'If life is easy, where would all the adventures be?.' At isa pa, 'Life is like riding a bicycle, in order to keep balance you have to keep moving on'." I smiled faintly.

Hay, lola and her inspirational quotes. I miss her na! Wah! Wag ng iiyak! Pinikit ko ang mga mata ko at pinakita ang brave face ko. Fighting Kim!

Pumunta na kami sa lockers namin and to my surprise..

"Teddy bear?" Napangiti si Bea ng napakalapad.

Nakita ko nga yung pink teady bear sa locker ko with a pink rose too. Pink rose?! Aw favorite flower ko yun eh! Pangarap kong bigyan ako ng pink rose and now it came true! *cries inside* But how did that person know?

"Ay hindi bes, barbie yan barbie." Pangbabara ni Anne. Natawa naman ako dun. Pero sa isip lang. Ayaw pa rin talaga umangat ng mga labi ko. Down pa rin ang mga to. Si Bea nangbelat kay Anne.

"Kanino kaya galing yan bes?! Kinuha na niya yung bear.

Excited much? Inunahan pa ako ah. Binigay naman niya sakin yung rose.

Nakita kong may papel na nakasingit sa kamay ng bear. Binuksan ko at may nakasulat na quote.

"Stay strong beautiful, because things will get better. It might be stormy now, but it can't rain forever."
- Superman

Superman??? Eh gusto ko si Superman eh!

Napasmile na tuloy ako. Ang sweet naman kasi ng taong nagbigay nito. In fairness napangiti niya ako.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon