CHAPTER 53
"What was that about bes?! Was that for real?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Bea habang nanlalaki ang mga mata.
"Hibang ka na ba bes? 'Di ba pangarap mo yun?" Tanong naman ni Anne.
"And you worked so hard just so you'll pass the screening process. How about couz, Kim?" And there goes Charm.
Kinaladkad nila ako pagkatapos nilang malaman na nagback-out na ako sa play. Ayaw ko sana syempre lalo na't first musical play ko to ever na ako ang bida tapos si Mike pa ang lovelife ko. Kaso dahil sa utos saakin ni Tamara, kailangan ko tong gawin. Ang maging Pinocchio imbes na maging Cinderella. Ang saklap. T^T
"Teka lang, pano niyo nalaman?" Hindi pa kasi ito inaannounce ni Sir Gavin eh. Kanina pa lang kasi kami nag-usap.
Speaking of sir, ayun at pinagalitan ako as expected. Next week na kasi ang play tapos ngayon pa ako uurong. Sinabi ko na lang na hindi ko na kaya pang gampanan yung role ko kasi busy na ako sa mga requirements ko at sa personal issues sa bahay. Sinabi ko ring may papalit na saakin at yun nga si Tamara.
Alam ba naman kasi ng bruha ang mga lines at songs ko. Pinagplanuhan talaga eh. Tsk. Nakakalungkot lang kasi hindi na ako si Cinderella. Hindi na ako ang may happy ever after kasama si prince charming kong si Mike. Huhu!
"Edi sa mga nakapost sa mga bulletin boards. Kung hindi pala namin nakita yun, hindi pa namin malalaman. Ano ba talagang meron bes?" Inis na tanong ni Bea. Nakataas pa ang kilay niya sabay halukipkip. Si Anne nakatingin lang saakin na para bang binubusisi ako. Si Charm naman ay naghihintay lang ng sagot ko.
Napakunot ang noo ko.
May mga nakapost na agad? Pero hindi naman nagpapapost si Sir Gavin ng hindi sa labas ng Audi ah. At ang posters ay sa Sabado pa ipapaskil ang pagkakaalam ko.
Teka nga, mukhang alam ko na kung sino ang may kagagawan nun. Masyado nga rin namang excited eh. Tss.
Pero teka, pano ko ba to malulusutan?! Siguradong hindi naman sila maniniwala sa excuse ko kay sir! Lalo na't alam nila ang nangyayari sa paligid ko. Kung mangangailangan ako ng himala, ngayon na yun!
"Kim! Andito ka lang pala!" Wow ang bilis naman nun ah. Nakahinga ako ng maluwag pero at the same time, naninikip din ang dibdib ko. Pwede pala yun noh? Kasi naman, makakatakas na ako kina bes pero makakasama ko naman si demonyita.
Napalingon ako sa kanya. Papalapit na siya saamin habang nakangiti--ang ngiting inakala kong totoo. Yun pala plastic lang.
"Tamar--Tammy!" Fudge! Muntik na yun ah. Ayaw niya kasing tinatawag siyang Tamara kapag may ibang tao.
"Hi Miss Bea, Miss Anne at...Charm di ba? May pupuntahan kasi kami ni Kim eh, urgent lang. Sige ha?" Nginitian niya sina bem at kinaladkad na ako palayo. Naiwan sina bem na nagtataka.
Lagot, hindi pa pala nila kilala si Tamara a.k.a Tammy. Magtatanong na naman iyon. Sana wag na silang magtanong kung saan kami pumunta nito kasi wala din akong balak mag-explain. Nakakapagod na. Hay.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...