CHAPTER 34 ⭐ MIKE

27.2K 649 35
                                    

CHAPTER 34:
Balak

***

MIKE'S POV

What's with her? Bigla nalang siyang naging cold at mataray sakin. Ano bang nangyayari sakanya? May problema ba siya? PMS? O sadyang nagsawa na siyang maghintay sakin? O baka ako lang naman ang umaasang naghihintay pa siyang bumalik ako sakanya? Hay.

**flashback few hours ago

Today's Valentine's Day at kapag ganito, wala akong ibang gustong makasama kundi si Kim at si Kim lang. Pwede ka rin naman pero siguraduhin mo lang na ikaw si Kim. But since I have this stupid agreement with Stella, I have to wait until the end of prom bago ko siya makasama ulit and it sucks. I know na tatanawin ko na naman lang si Kim sa malayo. Yung di niya alam.

Para san pa ang pagcelebrate ng Valentines Day, ng Araw ng mga Puso kung hindi mo naman kasama ang mahal mo---ang may hawak ng puso mo? Cheesy as it may seem but it's the truth. And this stupid truth hurts.

I saw her awhile ago when she entered the campus in the morning. Inabangan ko pa talaga siya at dala ko yung pink teddy bear and pink rose. Balak ko sanang ibigay sakanya pero I know it isn't the right time for that. Baka mabulilyaso ang plano ko. Kaya I'm just looking at her from afar. Pero eto na naman yung urge. Dammit!

Why do you have to be so near yet so far?

Magulo ba? Tsk! Alam ko, magulo talaga ako. Yan din ang sabi sakin ni Kim eh. But I still can't explain anything to her. No, not yet.

Dαmn! Someone just gave her a bouquet! And I know that guy. I clenched my fist and tried to keep my cool. Baka makabasag lang ako ng mukha ng wala sa oras. I suddenly felt frustrated..again. Kasi ang ibang lalaki nakakalapit kay Kim ng ganun-ganon lang at nakakapagbigay ng kung ano. Pero ako, kailangan ko pang magtago at wag ipaalam na ako to, si Mike na nagmamahal sakanya.

Pero now is not the right time to emote kasi nga I already settled everything about me and Stella. Yes, naayos ko na ang lahat.. I hope.

**flashback yesterday's confrontation

This is it. I finally have something against her. Kung akala niyong wala akong ginagawa sa loob ng dalawang taon para makaalis sa mga kamay ni Stella, well nagkakamali kayo. I've done everything to persuade her to stop blackmailing me. But I always fail. Si Kim ang lagi niyang pinangbabara sakin. Ano pa bang magagawa ko kundi ang sumunod di ba?

Mahirap magpanggap na mahal mo ang isang tao pero mas mahirap pala talagang magpanggap na hindi mo mahal ang taong mahal mo.

Dahil nasasaktan ka na ng sobra pero wala ka namang magawa. Wala kang magawa kundi ang maghintay at tumingin na lang sakanya sa malayo. Pero ayoko na ng ganun. Kasi okay lang sana kung ako lang ang nasasaktan. Pero pati siya nasasaktan dahil saakin. At lalong masakit yun sa parte ko.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon