CHAPTER 2:
Siya"Huy bes!" Nagising ako sa pagmumuni-muni at napahawak sa tenga ko.
"Aray! Ano bang problema mo bes? Iniwan ka na ba ng syota mo?" Sinigawan ba naman ako sa tenga. Kung hindi ko lang to mahal, pinalapa ko na to sa Chao chao ng kabitbahay namin. Hmp!
"Tumigil ka nga bes! 'Wag mo nga kong idamay sa kabitteran mo. Sa ganda kong 'to ako ang iiwan? Duh?" Sabay irap ni Bea at flip ng invisible long hair niya. Ngumuso nalang ako. Sinong bitter? Tss.
"Ano ba kasing iniisip mo bes? Hobby mo na ata ang pagdaydream." Sabi ni Anne.
"True! Gabi na ngayon bes noh. Di na uso mag 'day'dream." Ngumiwi ako.
Tingnan mo 'tong babaeng to. Lumuwag na naman ata ang turnilyo sa utak.
Natawa tuloy kami ni Anne. Kami lang kasi ni Anne ang normal saaming tatlo. May topak kasi minsan--ay mali, erase..PALAGI tong si Bea. Siya ang clown saamin at laging nagpapatawa saamin pagmalungkot kami. Minsan kasi LG o kaya nama'y OA. Did I say minsan? Palagi pala ang tamang term. Haha! Siya ang 'life of the party' kumbaga at fashionista ng grupo. Pero siya rin ang pasaway saaming tatlo. Lagi yang nasa bar noong single pa siya at nakikipag-away lagi kay Stella at sa mga alipores niya. Tamad ding mag-aral pero buti nalang at nakukumbinsi naman namin kahit minsan. Part siya ng sikat na dance group sa school namin.
Si Anne naman ang serious type saamin pero tinotopak din naman minsan lalo na pag kami ang kasama. Student Council President siya eh kaya expected na rin sa kanya ang ganyang peg. Ang lakas din nitong mangbara. As in masisindak ka sa mga salita niya. Love niya ang magbasa at 'medyo' conservative rin sa pananamit. Sarcastic ako, oo!
Ako naman, si Kim Claudine Hwang Perez, ang 'middle type' kumbaga. May pagkakalog at may pagkaseryoso din naman. Love ko ang kumain, as in talaga, lalo na ang ice cream! Bigyan mo lang ako ng ice cream, sasama na ako sa'yo. Haha! Aside sa pagkanta, President din ako ng Photography Club at part ng School Publication sa school namin as a photographer. Nagquit na kasi ako noon sa Cheering Squad kasi andun si Stella at dahil kay.. you know who. Part din kasi si Mike ng basketball varsity sa school namin kaya ganun. Umalis ako kasi hindi ko naman na kayang magcheer para sa kanya. Tapos 'yung practices pa with the team. Lagi ko lang maaalala yung mga kulitan namin sa court. At hindi ko masikmura na nasa isang grupo lang kami ng isang palaka. Hindi kasi kami magkauri noh. Haha!
The Mystique Trio pala ang tawag nila saamin. 'Mystique' which means a fascinating aura of mystery, power, and glamour that surrounds a person or thing. Bongga noh? Pati nga mga teachers yun na din ang tawag saamin. Ibang klase talaga. Pero ayoko naman sa fame na 'yan eh. Hindi ako kumportable sa limelight but I have to live with it. Dala na rin kasi ng apelyido ko.
"Waah ayan na!" Kuminang ang mga mata ko ng dumating na ang orders namin. "Ultimate Special Overload and Ultimate Hawaiian Overload!"
Nasa Greenwich na pala kami at eto ang blowout ko sa kanila. Lahat kami excited ng kumain. Pareho barkada size yung inorder ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit dalawa inorder ko eh tatlo lang naman kami. Well, kaya naman talaga namin yang ubusin..mostly, pero may mga dadating pa kasi kaming kasama. Sinabihan ko kasi sina bes kanina na iinvite din nila sila since blowout ko naman.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...