CHAPTER 6:
AlaalaNapag-usapan namin ngayong Sabado na mamamasyal kami sa park with Drew. Kami lang naman talaga lang ang nasa plano eh. Kaso tinanong ni bes Bea si Drew kung pwede daw sumama rin yung B-Boys. At siyempre since kaclose na rin niya sina Kirby at James, pumayag na siya agad. Kaya eto, naghihintay kami sa may park sa kanilang tatlo.
Nakangiti niya akong sinalubong. Ang gwapo talaga ni Drew tapos ang bait pa. Kung hindi ko sigiro mahal si Mike, baka nagkagusto pa ako kay kuya eh. Pero kasi liking him is like incest. Parang kapatid na rin kasi ang turing ko kay bes so kuya ang tingin ko sa kanya. At hanggang doon lang 'yun.
"Kim, gusto mo bang magbike?" Tanong saakin ni Drew. Tumango naman ako at ngumiti.
Love ko kayang magbike! Yung parang free ka sa lahat kapag nakasakay ka dahil sa hangin na dumadampi sa mukha mo. Ang sarap sa pakiramdam.
Papunta na sana kami sa may mga bike ng dumating na yung tatlo. Nakita ko si Mike, nakamaong pants na black at oh so fit na white shirt--ASDFGHJKL! Simple lang pero ang hot niya pa rin! Oh Kim, ang puso, ang puso!
Pasimple ko siyang tinitingnan. Nagnanakaw-tingin na parang stalker, as usual. Nagtutumbling na naman sa tuwa ang puso ko. Bakit ba wala pa ring kupas ang nararamdaman ko sa kanya? Nagtama bigla ang mga mata namin pero siya ang unang bumitiw ng tingin. Nagsawalang kibo nalang ako pero deep inside.. masakit bes. Pero ano pa nga bang aasahan ko?
Sanay na ako. Sabi ko nalang sa aking isip.
Ngumiti nalang ako kay Drew ng tanungin niya ako kung ayos lang ba ako. Hindi nalang ako nagpaapekto. Nagbatian kaming lahat at sumakay na kami ni Drew sa bike. Tig-isa kami syempre at nakita ko rin sina Anne, Mike at James na nagbike din.
"Paunahan tayo sa may fountain!" Hamon ni Bea. At since competitive kaming lahat, bumulusok na kami sa pagpapaandar papuntang finish line. Parang nabuhay ang dugo ko. Hindi ako umaatras sa hamon. Ganyan ang mga Perez eh. Mga palaban. Fighting!
"Kyaah! Ako ang mananalo!" Sigaw ko sakanila habang mabilis na nagpapadyak. Tinawanan lang ako.
Ang sasama naman nito! Magaling rin kaya ako.
"In your dreams bes!" Sigaw ni bes Bea. Pero hindi niya lang alam, nauuna na ako.
"Your wish! Nauuna na nga ako sainyo oh!" Sigaw naman ni James. Ngumuso ako. Nauunahan na nga niya ako at pangalawa ako. Magaling akong magbike pero since lalaki 'tong taong to at sanay pa sa exercise, naunahan ako. Medyo matagal na rin kasing walang exercise 'tong katawan ko since nagstop ako sa cheering squad. Pagkanta at pagpicture nalang ang hobby ko.
Pero hindi ako susuko! Binilisan ko pa ang pagpedal ko at unti-unti ay nauunahan ko na si James. Tumingin siya saakin at ngumisi ako sa kanya. Huh! Beat that! Kumunot ang kanyang noo at mas nagseryoso pa sa pagpepedal.
Nung malapit na kami sa may fountain, hininaan ko na yung bike ko pero narealize kong nasira yung brake. OMG! Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso.
"AAAAHHHHH!!!"
Sumisigaw na ako sa matinding takot. Nalagpasan ko na yung fountain at iniliko ko yung bike ko sa may mga bushes para tumigil na at para rin mabawasan ang impact at hindi ako masyadong masaktan. Kesa naman sa puno di ba?! Baliw lang?
Buti na lang at natigil na rin yung bike sa pagtakbo ng sumalpok ito sa mga halaman. Natumba ang bike ko at nasa paa ko ang impact sa pagkakahulog. Naramdaman ko 'yung kirot ng mga gasgas ko sa may tuhod. Nasprain rin ata 'yung right foot ko kaya hindi ako makatayo. Narinig ko naman yung sigaw ng pangalan ko at yung footsteps nilang papalapit saakin.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
فكاهةWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...