CHAPTER 66
Friday na pala. Ngayon na ang play! Pero ano naman? Hindi naman na ako kasali eh. T^T
Nasa library ako ngayon, nagmumuni-muni ng mag-isa sa mesa kaharap ang mga libro ko. Busy kasi sina bes sa play at sa council para sa Graduation namin. Sabi ko mag-aaral ako pero ano? Nganga. Kainis naman kasi eh. Kung sana walang Tamara sa eksena edi sana everybody happy na ngayon.
Sana ako si Cinderella at si Mike ang prince charming ko.
Pero wala eh, life is unfair. After ng isang unos, meron na naman at mas malala pa.
Ano bang ginawa kong masama para parusahan ako ng ganito? Huhu!
Halos tatlong araw na ang nakalipas mula noong eksena sa Star City. Ano bang nangyari talaga? Hay, mahabang istorya. Idagdag pa ang mga nagyari this past three days. Nakakaloka na talaga. Baka nga loka-loka na ako ngayon sa mga hindi ko maintindihan na mga nangyayari.
Nang makarating kami sa bahay ni Hello--este Marky, (wag ko na raw kasi siyang tawaging Hello!), pinaliwanag niya saakin ang tungkol sa kanila ni Faye na busy sa telepono niya that time. Si Lacey ay tahimik lang sa tabi ko at parang nasa ibang planeta.
**flashback
"Ex ko si Faye." Seryoso niyang sabi.
Ahh. So ex niya lang naman pala si---
"HUWAAAAT?!!!!" Ex? As in past, dating jowa, at higit sa lahat....naging lalaki siya for real????!!!!!
"OA naman nito! Sa gwapo kong ito? Pinagtataka pa ba yan?" Mayabang niyang sabi. Ngumiwi ako.
"Yabang! Pero seryoso Marky, naging lalaki ka talaga?" Tumango naman siya. "Weh? Di nga?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Hehe! Eh kasi naman kilala na kita noon pa eh. At ang alam ko nagkukunwari ka lang na lalaki...na beki ka, kayo ni Kitty! Naguguluhan ako! -____-" Sumandal ako sa couch at humalukipkip.
"Hay..." Umupo siya sa tabi ko at tumingin kay Faye na parang siya lang ang babaeng nakikita niya. What the? Nababakla na ba si Marky? I mean natotomboy? Aish! Ang gulo!
"Si Faye..bata pa lang kami, crush ko na siya. We met noong umuwi kami from America. Tapos simula noon, palagi na kaming magkasama kapag umuuwi ako. Hanggang sa naging kami. Di ko lang sayo nabanggit kasi busy ka kay Mike mo." Tiningnan niya ako ng nakakaloko. Ngumuso ako kaya natawa siya. Oo nga pala, medyo busy kami that time sa sari-sariling buhay namin.
"Iba kasi siya sa mga babae. Aakalain mong mahina pero ang lakas pala niya. Yun bang napakamisteryo niya na gusto mong malaman ang lahat ng iniisip niya. Pero ang ginusto ko talaga sa kanya ay yung mga ngiti niyang parang sinasabing magiging maayos rin ang lahat." Sabi niya na parang may kislap sa mga mata. Oohhh~
"Ano?! Di ko maintindihan, promise..." Ano bang pinagsasasabi niya? Ang lalim ah. May misteryo chuchu pa siyang sinasabi!
"Hay nako. Nakalimutan kong slow ka pala." Natawa siya ng pinalo ko siya sa braso. Aba! Ako daw slow? Hmp! "Basta, bawal kasing sabihin sa'yo ang lahat. It's much too risky."
"Eh? Oh sige ganito na lang. Bakit kayo nasa Star City? Nagdadate ba kayo? Ayiieee!" Sinundot-sundot ko pa siya sa tagiliran.
"Ano ba Kim! Ang kulit mo. Hindi noh. Sinundan ko lang siya doon. Hindi pa naman kami nagkabalikan." Malungkot niyang sabi.
"Huh? Bakit naman? Ay oo nga pala. Mukhang inis siya sa'yo ah. Ano ba kasing ginawa mo? Nanglalaki ka noh?! Tong baklang 'to ang landi!"
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...