CHAPTER 51 ⭐ MIKE/BEA

17.8K 498 32
                                    

CHAPTER 51:
Banta

***

Mike's POV

"Bilisan mo na kasi!" Sigaw ko kay James na hindi pa rin tapos maligo. Ang kupad talaga ng isang yun. Parang chicks lang gumalaw eh.

"Oo na! Bakit ba apurido ka dyan? May chicks ka bang iniwan sa atin?" Tanong niyang pang-asar.

"Gαgo! Alam mo naman kung sino lang ang chick ko." Parang wala naman tong alam. Eh lahat ng tungkol kay Kim sinasabi ko sa kanila. Nasasabi ko rin kasi kapag lasing ako kaya what's the point of hiding? Pati mga pagseselos ko alam nila kaya gαgo lang eh.

I heard him laugh. "Chill dude. I'm just kidding. Masyado ka."

I rolled my eyes, iyong hindi pangbakla. Eh sa gusto ko na talagang umuwi eh. Gusto ko nang makausap ni Stella si Kim para maging okay na kami. Hindi ko na kayang patagalin ito. Hindi ko na kayang layuan pa siya kung kailan pwede ko naman ng sabihin ang lahat. Si Stella lang naman ang inaalala ko. I made a promise to her na siya ang magsasabi kay Kim ng lahat at hihingi din siya ng tawad kaya I'm restraining myself to approach Kim.

Lintek kasing RedStriker na yan. Kinidnap pa si Stella. For what? For money? For revenge? At sinaktan niya pa si Stella! Hindi ko talaga iyon mapapatawad. Mahalaga din si Stella saakin. Kababata ko siya at alam ko ang pinagdadaanan niya. She doesn't deserve that despite all the bad things she did.

"Oh ano, tara na?" Nakalabas na pala si James sa banyo. Tumango ako at lumabas na kami ng kwarto.

Since katapat lang ng kwarto namin ang kwarto nina Light at nina Kirby, hinintay na namin sila. Lumabas na sina Kirby at Justin. At lumabas na rin yung Nathan. Nagkatinginan kami and I shot him a deathly glare again.

I really don't like this guy. Kung makadikit kay Kim, wagas. Akala mo kung sino. Noon pa lang sa dance troupe kung makahawak kay Kim, arrrgg! Kaya naman hindi ko na lang sila tinitingnan. Nakakauyam eh.

Kagabi, grabe ang pagtitimpi ko sa mga lalaki sa party. Kung makatingin kasi kay Kim parang...tss. Nevermind. Kaya naman hinaharangan ko ang bawat lalaking gustong lumapit sa kanya. Asa naman silang hahayaan kong makausap nila si Kim. She's only mine. Mas gwapo pa nga ako sa mga yun eh. Mga mukha silang paa. Tss.

Pero may nakalusot na isang hito. Pinuntahan kasi namin ang mga kateam mates namin sa varsity. Nalihis lang ako ng tingin, pagtingin ko ulit may kausap na siyang hito. Bwiset. I know his type, chickboy. And I dont like him around Kim. Ito namang si Kim, ngingiti-ngiti. Tss. Kaya nilapitan ko na sila. Hinayaan ko na lang ang mga tawag ng kateam ko. Kim's more important.

Tapos ito namang kulugong to, kung makatabi kay Kim sa table. Ang sarap lang sapakin. Bubulung-bulong pa. Lintek lang! Kumukulo ang dugo ko. Alam kong alam naman niyang may nararamdaman ako para kay Kim. Guy thing. Pero bakit didikit-dikit pa rin siya kay Kim? Nang-aasar ba siya? Tss.

Pero ang ikinabasag ng puso ko ay ang paghalik ni Kim sa kulugo na yun. Alam kong lasing na siya pero pagbali-baliktarin mo man ang mundo, nahalikan niya pa rin yung si kulugo. Ang nakakakampante lang saakin ay iyong fact na..

Ako ang first kiss niya.

Tama, ako iyong nakiusap kina James na dalhin si Kim sa football booth noong last day ng Orgs Fest. Walang nakakaalam kundi ang ilang members ng football na nagbuhat kay Kim at sina Kirby at James. Kung bakit ko yun naisip? Eh sa trip ko eh. May reklamo?

Ako rin ang nagbuhat sa kanya nung nakatulog na siya sa kalasingan. Natulala pa kasi si kulugo. Tss. Pero asa naman siyang hahayaan kong siya ang magbuhat kay Kim. Inilapag ko siya sa kama nila ni Anne. Nasa baba pa sila nag-iinuman. Gusto sanang sumama nina Anne pero sabi ko ayos lang.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon