CHAPTER 61"Coming!" I shouted over dad at dali-daling kinuha iyong DSLR ko. Papunta na kasi kami ngayon sa photoshoot at oo, pumayag sina mom and dad na magmodel. Ayaw sana ni mommy..which I anticipated. Pero si daddy kasi eh, pangarap niya daw ang maging model. Kaya ayun, pinilit si mommy. -____-
Pumasok na ako sa loob ng kotse namin at umupo sa backseat. Bumungad saakin ang nakangiti kong dad. He really is excited at natatawa ako kapag naiinis si mommy sa mga sinasabi niyang kesyo excited na daw siya at kesyo baka madiscover daw siya. Haha! Baliw talaga 'to si daddy. Palibhasa sinabak na agad siya sa business ng pamilya nila mula pa noong bata palang siya. I'm glad matutupad ko ang pangarap pala niya. Haha!
"Sweetie, hanggang lunch lang kami ha? We still have to go to your tita Jane's wedding, remember?" Sabi ni mommy na nakaupo katabi ni dad sa harap.
"Okay mom. Kayo po ang una naming kukunan." Kasal kasi ng amiga niya. Nakakatouched nga kasi nagkatuluyan na rin sila sa wakas ng college boyfriend niya. Nagkahiwalay kasi sila and after years, they reunited. Kaya ngayon kahit may edad na sila, there is still a happy ever after for them. Sila talaga ang soul mate!
Kami kaya ni Mike? Siya kaya ang soul mate ko? Sana naman hindi kami abutin ng ganong katagal bago magkatuluyan talaga. At sana rin, pareho rin kaming nararamdaman. Ok tama na ang drama kasi malalate na kami.
It took us thirty minutes to reach our shooting destination. Ang ganda talaga dito! Isang hacienda ito kung saan may barn, tree plantation at malaking lake din sa dulo. Perfect place ito for our photoshoot.
Nagkita-kita na kami sa set. Binati ko silang lahat and introduced my parents to them. Nauna na kasi iyong iba para makahanda dito at makahanap ng magandang spots. Nasa set na yung models namin sa Eternal Love---sina lola Nora at Lolo Jesus. Ang sweet talaga nila! Kahit hindi pa nagsisimula ang shoot, gusto ko na silang kunan!
"For the Eternal Love, doon sa may malaking accacia tree tayo. Magandang symbolism kasi iyong puno for their love---old yet strong at malalim ng masyado..ang mga ugat." Said Cynth at napatango naman ako sa sinabi niya. What a very good symbolism that is!
"For the True Love naman ay doon sa may lake. The lake symbolizes their unconditional love for each other. They are on the stage of building their own family. So just like them, maraming umaasa sa lake..maraming umiinom ditong mga hayop as well as living in it. It may not be as deep as the ocean but it serves its purpose." I nodded at Xen's long explanation.
"And lastly, doon sa may flower farm ang sa Young Love. Yung flowers ang magsysymbolize naman for them. Fresh and blooming..just like the love the couple have." Simpleng paliwanag ni Charm. Andito na rin kasi siya. Nauna lang ako ng ilang minuto.
We settled down before we proceed with the first shoot. Nakamake-up na si mommy..syempre si mommy pa ba? Si daddy naman sobrang excited na nagprapractice ng magpose sa salamin. Haha! Akala naman niya model siya ng damit.
Napalibot ako ng tingin at napansing wala pa yung models namin for Young Love. Oh my!
Tinawagan ko si bes pero cannot be reached! Aba naman oh! Anong trip to?!
Ilang beses ko pa siya kinontak pero waley talaga. Tsk! Bakit sa pagkarami-raming oras para mawalan siya ng signal, ngayon pa?!
"Charm! Did Bea contacted you? I can't call her!"
"Uhm, no. Maybe she's just late. Don't fret Kim."
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko. Baka nga late lang si bes. Oo nga pala. Baka naman nagpapaganda pa yun at kung anu-anong kolorete ang nilalagay pa sa mukha. Napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...