CHAPTER 58

15.2K 403 32
                                    

CHAPTER 58:
Ganti

***

"Have you seen that cute boy daw?!"

"Nope. Pero may sinend saking picture si Vina. Here oh. Ang cute di ba?! Pero ang suplado daw!"

"Really?! Pero oo nga ang cute talaga!"

"Kanino bang kapatid yun? And why is he all alone?"

"Asan na kaya yun ngayon?"

"Maybe he's just lost or something."

Hay nako, umagang-umaga chika kaagad ang agahan nila. Pero cute boy? Pano naman magkakabata dito sa loob ng school? Itsura lang nun. Eh may mga guard kaya.

Di ko nalang pinansin ang mga classmates kong gossip girls.

Time na for second class namin. Hindi Math! Hay salamat naman. Napatingin ako sa phone ko at nagreply na si Superman.

From: Superman
Heroes don't reveal their real identities Lois Lane. But for you, I'll make an exemption. ;)

Napangiti ako. Eto na ba yun? Sasabihin na niya sakin?! Wah! Palagi ko kasi siyang kinukulit kung sino ba talaga siya. Pero schoolmate ko siya eh. Sino kaya siya?!

To: Superman
Really? Then tell me who are you Superman! Naiinip na ako eh! Stop beating around the bush.

Napatingin ako kina bes and they're busy talking about sa away daw sa basketball team. Hindi na ako nakijoin kasi di naman ako nakakarelate. Ako na kasi ang walang boyfriend na varsity. Oh slash that, ako na ang walang boyfriend!

From: Superman
When the right time comes Lois Lane. Just be patient.

Ibinagsak ko na sa table ko yung phone ko. Kainis naman tong si Superman! Kapamilya ata nito si Big Brother eh. Ang hilig sa takdang panahon na yan eh. Akala ko sasabihin na. Tapos wala naman pala! Eh pano kung ireply ko sa kanyang bahala siya sa buhay niya? Hmp!

"Hoy, problema mo? Kung makabagsak naman to, wagas! Parang hindi iphone ah." Saway ni Bea.

"Wala. Kainis kasi yang si Superman." Ngumiwi ako.

"Wow! First time yan ah. Dati todo smile ka tapos ngayon inis na? Naglelevel up na kayo!"

Binelatan ko si Bea. Level up ka dyan! Hmp!

Hindi ko na nireplayan pa si Superman. Bahala siya sa buhay niya! Naalala ko pa nung tinanong ko siya kung bakit ngayon lang ulit siya nagparamdam. Ang sagot ba naman, 'I was busy saving other people's lives' Oh di ba tama yung hinala ko noon? Tch. Opo, pilosopo din si Superman. Bagay nga kami. Hala? San galing yun? Erase!

Naghintay pa kami sa teacher namin pero dumaan na ang ten minutes ay wala pa rin. Bigla nalang may dumating na teacher. Hindi siya yung teacher namin ah.

"Class, Ma'am Severino is absent today. You may have your lunch now or do whatever you want."

Bigla nalang nagsigawan ang buong klase. Ay? Di naman sila masyadong masaya noh? Mga huwarang estudyante talaga.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon