CHAPTER 41

19.8K 527 7
                                    

CHAPTER 41:
Karamay

KRIIIINNGGGG!

Napamulat ako dahil sa ring ng bell. Wow, ang bilis naman ng oras. Feel ko katutulog ko lang eh. Patay ako nito kung may quiz bukas.

"Ayan, nagising na rin si Sleeping Beauty." -Bea

"Hay nako bes. Mabuti na lang at di ka napansin ni sir kasi natatakpan ka ni Big Joe kundi baka kanina ka pa napatapon sa labas." -Anne

Huminga din ako ng malalim.

"Sorry naman. Eh kasi.." Humikab ako. "..di na naman ako nakatulog kagabi. Three layers na nga ang eyebags ko eh. Kaya nga nagpapasalamat ako sa inventor ng concealer. Paparangalan ko talaga siya. At syempre kay Charm kasi ikaw ang supplier ko!" Sabi ko. I grabbed my sling bag at pati na rin sina bes.

"You're welcome! I'll give you some more if you need some." Sabi ni Charm. Tumango na lang ako. Saviour ko talaga siya.

Pumunta na kami sa caf. Parang mga bubuyog ang mga people! Ano bang meron? Kapag kasi ganito, may bagong chismis na naman. Pero nasagot naman agad ang tanong ko.

"Mga bes, alam niyo na ba ang latest chismis?" Tanong ng aming gossip queen na si Bea.

Umiling kami ni Charm habang si Anne, deadma lang. Wala kasi tong pakialam sa mga ganyan. Pero nakikinig rin naman siya kasi wala naman siyang choice eh. Nasa iisang table lang kaya kami.

"Ano ba yun bes?" Tanong ko. Parang ito kasi ang pinag-uusapan ng lahat.

"Guess who muna kung sino itey." She smirked.

"Is it a he or a she?" Tanong ni Charm.

"She."

"Tao o hayop?" Nakangising tanong ni Anne. Natawa si Bea.

"Half half." Natatawa niyang sabi.

Nagkatinginan kami nina Charm at bes Anne na parang nagbluetooth.

"Stella." Sabay naming sabi. Frog siya eh. Haha.

Doon ko kasi narealized na absent pala siya. Kanina wala siya sa klase namin. Walang nagtaray eh. Hindi ko lang napansin agad kasi nga nakatulog ako.

"Haha! You guessed it!" -Bea

"So ano nga yun bes?" -Ako

"What's about Stella?" -Charm

"Okay okay. Hindi na ako bubulong kasi alam naman na ng lahat."

Jeez. News fly so fast nga naman. Or should I say, chismis spread so fast. Ang dami kasing chismosa sa paligid. Isa na ata ang best friend ko. Haha! Ako, interisado lang naman ako sa nangyayari kay Stella kasi parang may weird na nangyayari sa kanya. Yun lang yun. Lalo na't target siya ni...

OMG. I just realized something.

"One down, one to go. Soon missy."

Di kaya?

"Hoy! Miss space out! Ayan ka na naman!" Bea snapped her finger infront of my face.

"Oh! Sorry. You're saying?"

"Tss. Pa-english english ka pa dyan. Kanina pa ako kadadakdak dito about kay Stella tapos---"

"Bes, just let it go. Alam mo namang maraming iniisip yang si Bes. Can you atleast give some consideration?" Pinandilatan siya ni Anne.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon