CHAPTER 1

137K 2.6K 301
                                    

CHAPTER 1:
Alam

♪♬It's a quarter after one,
I'm all alone and I need you now.
Said I wouldn't call
but I've lost all control and I need you now.
And I don't know how I can do without.
I just need you now. ♪ ♬

Hay, eto na naman ako, nanunuod kay Mike sa may gilid ng backstage. Ang ganda talaga ng boses niya at ang gwapo pa! Pero hanggang tingin nalang ata ako eh.. as usual. Hays.

"WOOH! GO MikElla"

"Bagay talaga kayo!"

Hmp. Ayan, yan ang rason! May kaloveteam na siya. Hay. Pwede bang MiKim naman ang isigaw niyo? Please lang?

Bigla nalang hinawakan ni Mike yung kamay ni Stella at ayun, nagtititili na naman yung 'fans' kuno nila. Pano ba naman kasi, simula ng tinambal sila sa isang program dito sa school namin, nagsilitawan na yang mga bayarang fans club na yan!

Oo, alam kong bayaran lang yang mga fans club na yan at hindi lang dahil bitter ako kahit oo naman talaga. Pano ba naman kasi, narinig ko silang nag-uusap isang araw sa CR ng girls. Desperadang palaka! Lahat nalang ng kinakantahan nila, present lagi! Hay kainis!

Kalma Kim.. Kalma..

Bakit ba kasi siya? Bakit hindi nalang ako? Well, bakit nga ba? Ako naman talaga dapat ang ipapartner noon kay Mike eh. Kaso umepal yang Stella na yan! Hindi naman nakaanggal yung adviser namin kasi maimpluwensya ang pamilya niya. Ang sarap itapon sa swimming pool na puno ng bubog!

Aish! Nakakainis na tuloy manuod. Pano ba naman kasi, hinawakan rin ni Stella ang kamay ni Mike. Ang sakit sa mata. Pero mas masakit sa puso.. Lalo na't hindi naman bumitaw si Mike. Hays..

Alam kong 'for performance' sake' lang naman yun para kay Mike (well sana ganun pa rin), pero para kay Stella, totoo. Totoong totoo! Assumerang palaka!

Hala, nakatingin pala sakin si Mike!

Kamumuni-muni ko, hindi ko na napansin na nakatingin na pala siya saakin. Umiwas agad ako ng tingin at bumalik na sa upuan ko sa backstage habang nararamdaman ang pag-init ng pisngi ko. Eh nakakahiya kaya! Nahuli niya akong nakatulala sa kanya.

Teka, tinitingnan niya ako? As in ako? Pero gaano katagal kaya? May HD rin kaya siya sa'kin? Yiii! Pwedeng tumili, now na? Pero mamaya nalang nga sa bahay. Ang raming tao dito eh.

Ngayon, sino ang assumerang palaka? Hays. Kahit kailan talaga ang kontrabida ng kunsensya ko.

Oo, all this time pasimple lang ako sa kanya. Kunwari wala lang, deadma deadma pag may time. Pero most of the time nakatingin ako sa kanya sa malayo. Martir lang ang peg.

Di niya lang alam..

"Hoy Bes!"

"Ay tikbalang!" May biglang nagsalita sa likod ko. Tiningnan ko kung sino at ng nakita ko, si Bes Anne lang pala.

"Sinong tikbalang?"

Ouch! Binatukan ba naman ako.

"Aray ko naman bes. Ako, ako nga 'di ba?" Hinipo ko yung ulo ko saka ngumuso. Kainis naman tong babaeng toh. Lakas mangbatok talaga.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon