CHAPTER 62
"WHOOH! GO NATHAN!" Napatakip ako ng tenga ko sa lakas ng sigaw ni bes Bea. Ilang inches away na naman kasi mula sa tenga ko ang bunganga niya! Dapat pala nagheels ako ngayon. Pero syempre hindi iyon mangyayari since hindi bagay sa lugar na to at papahirapan ko lang ang sarli ko.
Nasa MOA arena kami ngayon para sa Dance Battle nina Nate. Grabe, jam packed ang venue! Ang daming nanonood at ang ingay gravy lungs! Nandito ang buong dance troupe at bilib talaga ako sa kanila kasi full support! May malalaking banners pa na may nakasulat na 'GO VILLAMOR NA MAAMOR!' tapos 'DOWN GROOVERZ ROCKZ!' Gusto ko iyong una. Haha!
Lima silang naglaban-laban for the Grand Finals. In fairness ah, ang gagaling talaga nilang lahat. Kahit hindi ako hiphop dancer, alam ko na din naman iyong mga popping, locking, tutting and break dancing na yun. Ang kaso lang, di ako marunong. Hehe! Kaya naman amaze na amaze ako.
Pinakahuling nagperform ang grupo nina Nate kaya naman ngayon ay nag-aabang na ng result. May nag-intermission muna then narinig ko na yung malakas na tibok ng puso as sound effect. Nakakakaba talaga kahit hindi naman ako ang kasali.
Kanina pala nang magkita kami ni bes, syempre tinatong ko siya kung bakit wala siya sa shoot kahapon. Sabi niya may inasikaso daw siyang importante pero ayaw talaga niyang sabihin. On the right time daw. Hmp! Ano naman kaya iyon at may pasecret secret pa siyang nalalaman.
"Hoy bes! Nanalo sina Nathan!" Naputol ang pag-iisip ko ng siniko ako ni bes kaya napatingin ako sa stage. At oo nga, nagtatatalon na ang grupo nina Nate.
Nanalo nga sila!
Pinuntahan namin sila pagkatapos ng contest proper and we congratulated them. Abot tenga ang ngiti ni Nate at nakita ko na naman ang cute dimples niya. Pinigilan ko nalang ang sarili kong kurutin ang pisngi niya sa kagigilan. Eh gusto ko rin ng dimples eh!
"Galing talaga oh! Congrats Nate. Sabi na nga eh. Kayo ang mananalo." Ngumiti ako sa kanya.
"Naman! Ang gwapo ko eh." Sabay tawa niya.
"Sira! Anong konek?" At natawa na rin ako. Ang hilig talaga niya sa gwapo na yun.
Kagaya nga ng inaasahan ko, meron silang celebration kasi nanalo sila. Pero kagaya din nga ng sinabi ni Nate, sasama siya saamin sa bistro. Kaya ngayon, papunta na kami doon nina bes at Nate. Hindi naman nakasama sina Anne at Charm kasi may kanya-kanyang rason. Hinayaan na lang namin kasi hindi naman talaga mahilig maglalabas yun.
"Ate Kim!" Napalingon ako sa bandang kaliwa ko pagkapasok na pagkapasok namin sa bistro. Grabe ah, inabangan ba talaga kami nito?
Ngumiti ako kay Jamaine na kasama sina Axe at mga kabanda niya. Tagahanga nila ako kaso hindi naman ako familiar sa pangalan ng guitarists at drummer nila. Sorry naman! Eh sa hindi sa kanila ang full attention ko those times eh. Alam na this.
"Silver!" Sigaw naman ng katabi ko. Okay, kotang kota na ata ang tenga ko sa sigaw nito. Makapacheck-up nga bukas sa doktor. Feel ko kasi dumudugo na. De joke lang.
Pero oo nga pala. *face palm* Crush nga pala ni bes yung drummer ng Zero Intensity. No wonder kilala niya ito! Asan kaya si James? Haha!
"Hi Jamaine." Bati ko ng nakangiti kay Jam ng magkasalubong kami sa isang gilid. Pareho kasi kaming naglakad papunta sa isa't isa habang nanatili lang yung mga kabanda niya sa kinauupuan nito.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...