CHAPTER 18:
AlakDudug..dudug..
Nakita ko sa tapat ko ang pinakagwapong nilalang sa mundo para sa'kin. Sino pa ba? Naghuhuramentado na talaga ang sistema ko. Ilang inches na lang kasi ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Nagkatinginan kami pareho sa mata. Yung hazel eyes niya na may specks of brown sa gilid nakatingin rin sa brown kong mga mata. Nakakamagnet lang talaga..
Hay ayoko na sanang gumalaw pa at titigan nalang siya forever pero kusang gumalaw ang mga paa ko at nagstep back. Nakatingin kasi lahat ng tao sa loob saamin! My gahd! This is another grand entrance! Nag-init na naman tuloy ang pisngi ko saka napatungo. Narinig ko namang tumawa si Kent, pinsan ni Mike. Gwapo rin siya..actually lahat naman sa family niya gwapo at magaganda. Tsk. Kagandang lahi!
Family gathering pala to sa mother side niya. Sabagay, maganda rin talaga si tita Elaine.
"Uhm, tara na sa loob." Nahihiyang alok ni Mike saakin. Napatingin ako sa kanya at parang nakita ko ang pamumula rin ng pisngi niya. Pinigilan ko ang ngiti ko dahil ang cute niya at tumango nalang ako.
Pumasok na kami sa loob at uupo na sana ako sa extra chair sa tabi ni tita. Pero ng nakita ako ni tita, hindi niya napigilang tumayo at niyakap ako. Wow mas excited pa pala siyang makita ako. Napayakap na din ako sakanya and it feels like home. I missed tita!
"Kim, hija! Oh gosh I missed you so much! Look at you, you became prettier--oh scratch that--more gorgeous!" Sabi niya saakin pakakalas sa yakap. Napangiti ako.
More gorgeous daw? Ansaveh? hihi bola much.
"Si tita naman nangbola pa. Anyway, me too tita! I miss you so much! By the way Happy Birthday po! Sorry po wala akong gift." I shot her an apologetic look.
"Thank you hija. And don't worry about the gift. It doesn't matter as long as you're here. At hindi ako nangbobola. Hindi naman ako basketball player! Sa ganda kong to?" sabi ni tita. Natawa naman kami sa sinabi niya. Palabiro parin talaga siya. Nakakamiss din ang kakornihan niya..shhh! Satin-satin lang yun ha. Corny kasi talaga si tita minsan--oops erase--madalas!
"Anyway, what brought you here? I mean did Mike told you? I haven't heard from you kasi for a long time." She looked disappointed at me. Ako naman itong si guilty, nag-iisip ng maidadahilan. Hay.
"Uhm, kasi po tita we have a family gathering din po kasi sa kabilang hall. I just bumped with Mike kanina po and he invited me here." Napakagat ako sa labi ng naalala ko yung nakakahiyang nadatnan niya sakin kanina.
"Oh I see. You know what, nagtatampo ako sayo Kim. Hindi ka na pumupunta sa house namin! I was looking forward to bake with you pa naman." sabi ni tita with a frown.
I felt guilty na talaga tuloy. Napag-usapan nga namin yun noon pero dahil nga sa sudden twist of events, hindi na natuloy. Teka, ano nga bang sasabihin ko? Mukhang hindi pa nasasabi ni Mike na iniwasan niya ako noon. Pero bakit naman kaya?! Very vocal naman to sa mommy niya since mama's boy 'yun eh. Oops! That was supposed to be a secret.
Pagtatakpan ko na lang ba siya? Tiningnan ko siya pero umiwas siya ng tingin. Deym this boy! Wala atang balak na tulungan ako! Humanda to saakin mamaya. Wala akong choice kundi sabihin ang typical excuse.. busy.
"Ah oo nga po tita sorry po. I've been busy with school po kasi this past few years. But I will make it up to you po! Promise! Yun nga po ang birthday gift ko sa'yo eh." Oh ha, nakaisip ng palusot. Birthday gift?! Haha..patawa! You're pathetic, Kim. Tsk.
"Oh, that's good to hear then! I can't wait for that day! Can we schedule it tomorrow?" masayang sabi ni tita.
What?! Agad-agad? Di naman masyadong obvious na excited siya noh? Teka, may gagawin ba ako bukas? Blanko ang utak ko ngayon! Shoot! Isip isip Kim! Pero wala pa rin akong maalala. Maybe this nervousness got me mental blocked. Hays.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...