CHAPTER 60

16.3K 407 14
                                    

CHAPTER 60

"What? Di ba gusto mong sumakay sa rides? Well, here we are." He shrugged.

"Ano?! Eh di ba sabi mo ihahatid mo na ako pauwi? At saka bakit hindi sa EK o Star City?! Bakit sa isang perya lang?!" Grabe ah. First time ko sa perya! Noong bata pa ako nakakadaan kami sa ganito at nakikita ko ito galing sa loob ng kotse. Inalok ko pa nga sina mommy na pumasok kami pero wag daw kasi hindi daw safe ang mga rides at iba din daw ang mga palaro.

"Tss. Ang arte pa. Eh sa tinatamad na akong magdrive. Ang layo pa ng dalawang yun. Pasalamat ka nga at dinala pa kita dito." Ngumuso ako.

"Bakit kahapon pumunta pa tayong EK? Ang daya mo!" Ngumuso ako.

"Tch. Wag ka na ngang sumatsat. Of course I had to fetch my little sister." Hinigit na niya ako papuntang entrance at nagbayad na siya. Bwiset! Kaladkarin daw ba ako? Heller? Marunong kaya akong maglakad. Tss!

Nanlaki nalang ang mga mata ko sa mura ng entrance fee. Twenty pesos lang! Wow! Ang mura naman ata nun! Di ba sila nalulugi?

Hinila na naman ako ni Ilaw papasok at napansin kong napakaraming tao. Piyesta ba dito sa lugar? Hmm.. Mukhang mga ordinaryong tao lang ang nandito. Walang nakasosyaling damit eh. Naglibot ako ng tingin at namangha ako ng makitang may ferris wheel, roller coaster at spinning wheel! Waaah!

"Dali na Ilaw sakay tayo doon oh! Dali!" Hinihila-hila ko na si Ilaw papuntang roller coaster. Kahit mukhang kalawangin na, wala akong pake! Di naman sila magpapasakay kung di safe di ba?

"Ano ba, para kang bata!" Inis na sabi ni Ilaw. Hmp! Ang sungit talaga nito kahit kailan. Naisip ko tuloy ang magiging reaksyon sakali kung sina Mike at Nate ang kasama ko.

Mike: "Oo na po pupunta na tayo. Huwag kang malikot doon ha? Baka mahulog ka..ang kulit mo pa naman. Haha!"

Nate: "O sige ba! Paunahan! Mahuli pangit!"

Hay. Kakaiba talaga silang tatlo. At sa nega pa ako nasama ngayon. What a luck. *note the sarcasm*

Ngumuso ako at hindi nalang siya hinila. Kainis naman to! Pupunta-punta dito tapos ayaw naman sumakay. Ang KJ much talaga.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon