CHAPTER 64
Alas nuebe na ng umaga at nasa HE room kami para magbake. We are free to do whatever cake we want at nakadepende syempre sa gawa namin ang grade na makukuha.
Naisipan kong gumawa ng red velvet cake with cream cheese frosting. Balak ko itong ibigay kay Mike eh. Ilalagay ko na lang sa locker niya at wala akong balak na ipaalam sa kanyang ako ang nagbigay. Sapat na saking mabigay yung cake sa kanya.
Sina bes at Charm ay busy na rin sa paggawa. Choco almond cake kay Anne, Raspberry cake kay Charm at Blackforest cake kay Bea. Aba bongga ah! Hihingi nga sana ako pero bibigay din daw niya kay babe niya. Ang Cory Aquino talaga. Tss.
Kaya ngayon, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa cake ko. Hinalo ko na yung ingredients for the cake. Hindi talaga ako magsasawa sa red velvet! Pareho kami ni Mike na fave to eh! Isinala ko na yung lalagyan sa oven. Mabuti na lang pwede namin itong iwan dito so we can get it whenever we want. Hanggang mamaya pa namang hapon ipapacheck kay ma'am.
Syempre, aside sa buong cake na papakita namin for the presentation, iyong separate na slice lang ang titikman ni ma'am kaya hindi masisira yung cake. Kaya naman papagandahin ko talaga iyon with love. Napangiti ako.
Frosting naman!
Busy ako sa paghalo ng biglang may pumasok sa isip ko. Naalala ko iyong kahapon.
Ano kaya iyong gusto pang sabihin ni Lacey? Mukhang napakaimportante naman. At saka, bakit siya umalis agad? Mukha atang may pinagtataguan siya. Ay ewan.
"Huy bes!"
"Ay ewan!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Ano ba bes! Napakahilig mo!"
"Haha! Mahilig saan?" Tiningnan niya ako ng nakakaloko.
"Sira!" Hinampas ko siya sa braso. Ang green nito. FYI lang ha? Mahilig sa kiss ang iniisip kong iniisip niya. Tss. Oh shame, kiss? Naalala ko tuloy yung reaksyon nila noong sinabi ko na si Ilaw ang first kiss ko. Hindi sila mapakali at nagbulungan na naman at mukhang nagdidiskusyon ng seryoso. Hay nako, hindi ko na lang inintindi.
"Aray naman! Nasa outer space ka na naman kasi eh. Kawawa na yang frosting mo oh! May mixer bes, baka nakakalimutan mo?" Tinaasan ako ng kilay ni Bea.
Tiningnan ko yung frosting ko at hindi nga maayos ang pakakahalo eh kanina pa ako kahahalo. I sighed.
"Wala bes. Si Lacey kasi---"
"Si Lacey?!" Sabay na tanong nina bes. Narealize naman nila ang OA na reaksyon nila dahil sa reaksyon ko. Napaatras kasi ako at mukhang natakot. What the heck?
"I mean, si Lacey?" Bawi ni Bea. Ngumiti siya ng pilit.
"Ano si Lacey bes? Nagkita ba kayo?" Tanong naman ni Anne na mukha na namang abogada.
Ano bang issue ng dalawang to kay Lacey?! Kahapon pa to ah.
"Ano...oo. Kahapon kasi may sinabi siya saakin." At naputol nga kaya bitin ako! Hays.
Magtatanong sana si bes Bea kaso pinigilan siya ni Anne and she gave her a warning look. Bumuntong hininga si Bea and mouthed 'fine.'
"Ano daw bes?"
Napakunot noo ako dahil sa kaweirduhan nitong dalawang to. By the way, busy si Charm sa cake niya kaya naman kaming tatlo lang ang nag-uusap. Pero alam kong may something rin kay Charm kasi nga nagreact siya kahapon.
Hindi ko alam kung itatanong ko ba kung hindi s kanila kung ano ba iyon. Pero tulad na nga rin sa sitwasyon ko, sasabihin ko ang mga bagay kung sa tingin ko ay dapat. Kaya naman I will not force them to tell me. Maghihintay na lang ako hanggang sa sabihin na nila.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...