CHAPTER 9

33.3K 812 14
                                    

CHAPTER 9:
Paalala

Lumuluha na ako ng marating ko ang ospital. Thirty minutes din kasi yung byahe kaya lalo akong kinabahan. Nakita ko sina lolo at Tito Max sa may labas ng kwarto kung saan nakaconfine si granny.

"Lo, tito, ano po bang nangyari kay granny?! Kumusta na po siya?!" Tanong ko habang pinupunas ko yung mga luha ko.

Si lolo hindi lang umimik. Walang bakas a ekspresyon sa mukha niya. Kahit ganun naman talaga siya, alam kong malalim ang iniisip niya.

"Kinukuhanan pa siya ng tests, Kim hija. But the doctor said that she's fine now. So don't worry anymore, okay?" Paliwanag ni tito pero hindi siya makatingin saakin ng diretso.

Nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi niya. Hindi niya rin sinagot kung anong nangyari kay granny. Pero hinayaan ko na lang kasi ang importante ay okay na siya. Hindi ko kasi kayang may mangyaring masama kay granny. Super close kasi kami simula bata ka kami. Siya kasi yung mas tinuturing kong nanay kesa sa mommy ko. Sad but that's the truth. Bihira kasi magkatime saakin si mommy--as in bilang lang sa mga daliri ko bawat taon. Kaya si granny lagi ang nag-aalaga sakin noon. Kaso, simula nung highschool, lumipat na sila ng bahay ni lolo. Sa mansion na nila sila tumuloy. Naiwan na tuloy akong mag-isa. Hindi na rin ako parating nakakadalaw since may school tapos medyo malayo pa yung bahay nila.

Si Mike din pala kaclose din ni granny. Since madalas kaming magkasama ni Mike, nakakabond niya na rin si granny. Parang lola niya na rin nga si granny eh. Naalala ko nga noon nung nagbake kami ng cupcakes, nasunog ni Mike yung kanya na nagmukha ng bato kaya tawa ng tawa kami ni granny. Yung nagswimming din kami sa pool, nakita na lang namin na lumulutang na yung shorts ni Mike! Laughtrip talaga yun. Halos ayaw na ulit magswimming ni Mike dahil dun. Nung graduation din namin nung grade school, kinuhanan kami ng picture ni granny habang kumakain ng chocolate cake dahil kumain kami sa labas. Pagsmile namin, pareho may chocolate yung mga ngipin namin kaya tawa ng tawa na naman si lola. Dun din sa paborito naming ice cream parlor, nag ice cream fight kami ni Mike kaya ang lagkit ng mga mukha namin nun. Pinicturan naman kami granny. Pati yung pagshopping namin at pagpapasalon namin together, lahat nagflashback saakin.

Lord please naman po oh, sana tuluy-tuloy na ang paggaling niya.

Pinapasok na kami ng nurse after one hour. Ng nakita ko na si granny, parang nadurog ang puso ko. Sa ilalim ng mga tube na yun ay ang malumbay at namumutlang katawan ni lola. Pumayat siya at parang walang tulog dahil sa eye bags at rings sa mga mata niya. Dumilat na yung mga mata niya pagpasok ko kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Oh apo! Kimmy.. S-sa wakas..nagkita na tayo ulit." Mahina niyang sinabi. Parang pinipilit niya lang yung sarili niyang magsalita.

"Granny! Miss na miss na kita! Sorry hindi ako nakakadalaw sainyo. Busy kasi sa school eh. Sorry po talaga." Sabi ko habang tumutulo ulit yung mga luha ko.

"W-Wag mo ng isipin yun. Alam ko namang busy ka sa school mo. D-Di ba sabi mo noon, magiging honor ka paggraduate mo?" She smiled faintly. Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi at ngumiti.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon