CHAPTER 17:
TibokWAH LATE NA AKO! LATE NA AKO!!!!!!
Hindi naman ako naghyhysterical noh?
Kinakabahan na kasi ako ng bonggang bonga! Kung walang aircon dito sa sasakyan, siguradong pinagpapawisan na rin ako. Kulang nalang din ay dumugo ang ibabang labi ko kakakagat ko dito. Hays!
"Manong Rey, matagal pa po ba ang traffic?" Napakamot sa ulo ang driver ko bago sumagot.
"Eh ma'am, hindi naman po ako manghuhula. Hindi ko po alam." Napasapo ako sa pisngi ko. Oo nga naman, Kim.
Eh bakit ba kasi kung kailan ako nagmamadali, saka naman dumagsa yung mga sasakyan sa kalsada?! May celebration ba ngayon? Parang lahat ata ng madlang people sa earth ngayon pa, sa lahat ng araw, may kanya-kanyang pupuntahan! May papromise promise pa kasi akong nalalaman kay mommy eh! Wah!
Nasarapan kasi kami sa pag-uusap ng mga bes ko. Nakalimutan ko tuloy na kailangan ko pang umuwi bago pumunta sa hotel. Late pa naman natapos yung audition. My gahd!
Kada minutong pumapatak, lalong nanlalamig ang mga kamay ko as I look at my phone kung anong oras na.
Fudge! 7:35 na! Naiimagine ko na yung itsura ni lolo pag nakita ako. Sa lahat kasi, ayaw niya ang late. I should be responsible enough with my actions daw. Responsible naman ako eh..talagang supercalifragilisticexpialidocious traffic lang ngayon! Isama pa si mommy. Naku! I'm dead.
Ay! Rush hour nga pala ngayon. Tsk! Bakit ko ba nakalimutan?! Lagot na talaga ako.
Speaking of lagot, biglang nagring na yung phone ko. Wah! Napalunok ako sa kaba. Si mommy yung nasa caller ID, kaya sinagot ko na.
"He-Hello?" Wah nauutal na yung boses ko.
["Kim! Where in the world are you now?! Your grandpa is already here and so as everyone! He is already looking for you! You told me you won't get late!"]
May halong worry at inis yung boses niya. Nilayo ko yung phone sa tenga ko kasi mababasag na yung eardrums ko sa sigaw ni mommy. Huhu!
"M-Mom sorry! T-Traffic lang po kasi talaga eh. Nakikita ko na rin po yung hotel. Nasa may kanto na kami. Bibilisan ko na po pagpunta dyan." Nauutal pa ako sa kaba at hinung up ko na yung phone. Baka magtatatalak na naman si mommy kawawa naman yung tenga ko.
"Manong Rey, dito nalang po ako. Tatakbuhin ko nalang po."
Tumango nalang yung driver ko at napakamot sa ulo niya. Naisip ko kasing mas mabilis kung tatakbuhin ko nalang papuntang hotel since malapit na naman.
Tumakbo ako kahit nakadress ako. Buti nga naka-cocktail dress ako, hindi gown kasi super awkward yun. Kaso ang hirap tumakbo pagnakaheels kaya kahit nakakahiya man, tinanggal ko na yung yellow heels ko at binitbit ko na lang saka tumakbo ng nasa labas na ako ng hotel at nasa tiled floor na ako.
Gosh, wa-poise na naman ako! Baka isipin nilang fashion statement ko to. Pero ayos lang kesa naman lalong maghintay si lolo. Baka sumabog na yun sa galit dahil sa 10 minutes na akong late! Hay, oo kahit nga 30 seconds ka lang malate, tatalakan ka na niya..eh ano pa kaya pag 10 minutes? Wah, gusto ko ng bumalik na lang sa kotse, umuwi at magtago sa ilalim ng kama ko!
Pero hindi pwede eh. Kumpleto ang family namin ngayon at once in a blue moon lang to nangyayari kaya dapat andun din ako.
Well, close to complete.
Sayang nga kasi andun din dapat si lola. Pero alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon kaya dapat maging masaya na rin ako. Yun din yung sinabi niya saakin eh kaya hindi ko siya bibiguin.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...