CHAPTER 8:
Kutob***
Orgs' Fest Day 2
Napag-usapan ng grupo na magmeet with the boys sa may caf during lunch. Papakilala na kasi namin yung mga exchange students sa grupo since naging friend rin pala ng mga boys yung sa block nila. What a coincidence!
"Feel ko gwapo din yung exchange student. Naging friend nina James eh! Syempre dapat belong naman siya, I mean syempre maaawkward yun kung hindi siya jive.." conclusion ni Anne. Grabe sa explanation ah.
"Hindi naman siguro yun ganun bes. Hm, taga san nga ulit na bansa yun?" tanong ko.
"US din daw eh." sabi ni Anne.
"Ah edi gwapo nga yan." -Bea
"Porke Amerikano, gwapo na?!" tanong ko sabay taas ng kilay.
"Basta nafefeel ko. Malakas ang aura niya eh. Parang papalapit na nga eh!" sabi ni Bea with all the cheeky expression. Mamamangha na sana ako ng nakita ko nga silang paparating na sa likod ni Bea. Pero nakita kong may hawak siyang salamin na tinatago niya sa libro niya kaya niya pala nakikita yung nasa likod niya. Hinampas ko siya sa braso.
"Baliw! Eh may hawak kang salamin eh! Mangtritrip ka pa dyan!" sabi ko. Tumawa naman sila. Hindi ko na namalayang nasa table na pala namin yung boys.
*TUGS TUGS TUGS TUGS*
Oo na, puso ko yan. Nakita ko na naman kasi siya. Sinuklay niya yung buhok niya pataas gamit yung kamay niya. Grabeeee... Bakit ang init ata bigla ng caf? May aircon naman ah.
Nang nagsettle na ang lahat, napansin ko na yung bagong kasama ng B-Boys. In fairness ah, gwapo nga! May pagka boy-next-door ang peg niya at mukhang good boy. Ash brown ang buhok niya at bluish green eyes. Waaah inggit ako sa mga mata niya! Palit nalang tayo please?! Brown lang kasi saakin. Hays. Naputol ang pag-iisip ko ng nagsalita bigla si Charm.
"Mike?!" Gulat niyang sinabi. Napatingin naman si Mike sakanya.
"Charmaine?!" Nagulat din si Mike.
Okay, what's happening on Earth?! Mag-ex ba sila?! O magkapitbahay sa States?! Waah ano ba?! Wag naman sanang ex noh! Baka pagselosan ko siya. Hmf!
"Magkakilala kayo?!" Sabay sabay naming limang tinanong.
"Yeah, we're cousins!" sabi ni Charm. Parang nabunutan ako ng punyal sa dibdib. False alarm! Cousins lang pala. Kinakabahan ako dun ah. Feeling ko kasi gf ako eh. Feeling lang.
Pero cousins? Ahh kaya pala parang familiar yung name niya sakin. That explains why! Oo nga pala, Charmaine T. Young, T for Tyson. Nakwento na siya saakin noon ni Mike! Siya yung kaclose niyang pinsan sa States. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya kasi related siya kay Mike. May ganon?
Tiningnan ko sina bes at boys at nagsubside na yung mga mukha nila. Nagsink-in na rin sa kanila yung sinabi ni Charm at sabay sabay na sinabing "AHHHH.." Tiningnan ko na din si Charm na may spark sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...