CHAPTER 4

48.9K 1K 26
                                    

CHAPTER 4:
Sulyap

Championship na! Lahat kami excited manood. Well ako medyo lang. Makikita ko na naman kasi siyang maglaro. Well I actually have a secret. Hihi. Hindi ko to sinasabi kina bes kasi baka pagtawanan o batukan lang ako eh. Mahirap ng maputulan ng ulo ni bes Anne.

Ganito kasi.. hindi ko gustong nakikitang magbasketball si Mike kasi.. Lalo lang akong nafafall sa kanya dahil ang hot niya pagpinagpapawisan! Yiii! At isa pa, nanggigigil ako sa mga pagpapacute ng mga 'fans' niya after the game lalo na yung Stella na yun. Tss! So palagi akong tumatangging manood kasama nina bes. Pero leche at napagkaisahan ako ngayon. Manonood nalang nga sana ako ng soccer dahil championship na rin at since may nang-alok saakin kahapon pero wala eh. Dito ang bagsak ko ngayon.

Nagkita-kita kami nina Drew sa may parking lot. Hindi pa kasi siya familiar sa school namin since taga ibang school siya nung highschool. Si Bea, as usual may dalang banner na makulay at makinang. Lahat kami nakasuot ng blue shirt as a sign of support for our school's team, the Blue Knights. Nakashorts ako at si Bea habang nakapants naman si Anne. Nang malapit na kami sa gym, ayan na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Bro!" Nagghigh-five sina James, Kirby at Drew. "Andito na pala kayo." Sabi ni Kirby.

"Woah, mareng Kim nandito ka rin!" Gulat na sabi ni Kirby ng makita ako. Ngumiti lang ako dahil hindi ako mapakali sa presensya ni Mike na nakajersey sa harap ko! OMG!

Pero agad ring sumama ang mood ko sa nakitang katabi niya. Kasama rin nila si Stella the frog na katabi ni Mike at nakasuot na ng cheering squad uniform. I used to be like that bago magsimula ang game pero pasira ang frog na to eh. Dati rin ako ang nasa tabi ni Mike at nagpapalakas ng loob niya tapos sinasabi niyang ipapanalo niya ang game para sa'kin. Hay memories.. Isa talagang tornado sa buhay ko si Stella. Dumaan lang siya, nasira na ang buhay ko. At hinigop pa niya at ngayo'y kasama na ang dati kong best friend na si Mike.

Tiningnan niya ako in 'mataray' way at tinaas ang kilay pero ako parang wala lang. I will not stoop down to her level. Deadma ka girl!

"Good luck babe!" Sabi ni Bea kay James sabay kiss nito sa cheek ni James.

"Yun oh!" Hiyaw nilang lahat saka pumalakpak pa. Bea grinned.

"Good luck sainyong lahat! Ipanalo niyo ulit ha?"

Tiningnan ko sila, at huli si Mike. Blanko na naman ang itsura niya habang may sinasabi sa kanya ang palaka. Ngiting ngiti si Stella at parang interisadong interisado naman si Mike sa mga sinasabi niya. Ano bang sinasabi niya? Bakit parang sumikip ang dibdib ko? Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila at nginitian ang grupo. Pwera BV.

"Good luck guys! Fighting!" Sabi ko naman sa grupo with matching hand gesture pa. Doon ko nakita mula sa sulok ng mga mata ko na napatingin si Mike saakin kaya tumingin din ulit ako sa kanya. Unlike kanina, medyo kumunot ang noo niya at parang may gusto siyang sabihin. Or nag-iimagine lang ako? O nag-aasume? Hays. Tapos bigla nalang siyang niyugyog ni Stella sa braso kaya siya napatingin sa kanya. Grr..epal talaga tong frog na to. May moment na kami eh! Yun na eh!

Umiwas nalang ulit ako ng tingin.

"Panalo na ulit yan. Hindi na kailangan ng good luck." Sabi ni Anne at seryoso ang mukha. Eto na naman to si bes, ganyan rin yung sinabi niya saakin noon eh. Sana di ulit makontra.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon