CHAPTER 3

55.6K 1.1K 40
                                    

CHAPTER 3:
Malabo

Twenty minutes din yung byahe at nakarating na rin kami sa mansyon nina bes Anne. Pinangbuksan kami ng pinto ng katulong nila at nakita agad namin si Tita Andrea na bumungad saamin.

"Hi girls! Nice to see you again!" Bati saamin ni tita, sabay halik naman kami sa kanya sa pisngi.

Wah ang cool talaga ni tita! Gusto ko rin ng cool na mommy na kavibes ko lang. Parang siya si daddy. Ang layo niya kasi kay mommy eh na super poised and strict. Aakalain mong palaging nasa rampahan o beauty pageant. Naisip ko nga nung bata pa ako kung namanhid na ba ang muscles niya kaya siya naging ganon pero narealize kong ganon lang talaga siya. Pero syempre naman mahal ko si mommy noh! Sa kanya kaya ako nagmana ng beauty haha!

"Tita! Kumusta po?" Ngumiti ako kay tita.

"Eto, sexy pa rin!" Birong sagot ni tita sabay kindat pa saamin.

Tumawa kami ng mahina. Sabagay tama naman siya. Ang sexy niya pa rin talaga. Mapagkakamalan mo ngang magkapatid sila ni bes eh! Bagets kung pumorma. Nakafitted dress nga siya at high heels. Palibhasa sanay sa trabaho. Eto naman si bes Anne hindi masyadong maporma. Hindi manlang nahawaan ng mommy niya. Si bes Bea kasi mana sa mommy niyang dating model habang ako..

Well, dating beauty queen din si mom pero sa school lang naman siya sumasaling pageants. Spell PEER PRESSURE. At saka sabi ni dad sumasali raw si mom sa ganun para magpapansin sa kanya dahil crush raw siya ni mom dati. Ayun at nakurot tuloy siya ni mom kasi narinig na nagkwekwento. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako. Haha!

Pinasadahan niya kami ng tingin from head to toe. Maayos naman ang ayos ko--floral dress at wedge ang suot ko kaya proud ako. Syempre nakakahiya naman kay tita kung magmumukhang PA ako beside her.

"Eh kayo, you look so much prettier than the last time I saw you! You two look like your moms. May mga boyfriends na kayo noh? Tanong niya at tiningnan niya kami ng nakakaloko.

Ganito ang itsura namin:

^_^v Bea

>__> Ako

Alam na naman ni tita na may boyfriend na si Anne. Anak niya eh. Na-OP tuloy ako. Parang may malaking karatula sa noo kong 'NBSB AKO, Keep out!'

"Hmm..based from your reactions, I already know the answer. Kim, sweetie.." Oh gosh, oh gosh, eto na nga bang sinasabi ko. Pinagtutusok ako sa tagiliran ni Bea kaya pilit ko siyang tinatapik papalayo. "Sayang naman ng ganda mo. Hanggang ngayon, si Mike pa rin ba ang gusto mo?"

And she just dropped the bomb. Pero paano niya nalaman 'yun?!

Tiningnan ko ng matalim si Anne. Nagpeace sign at ngumiti ng painosente lang saakin ang lola.

"Oo tita, hanggang ngayon di pa 'yan nakakamove---" Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni Bea na natatawa na. Traydor talaga! Nilawayan pa ang kamay ko dahil sa tumatalsik ito katatawa niya. Kaderder talaga!

"Ah eh may langaw kasing papasok sa bibig mo. Baka makain mo." Palusot ko at tiningnan ko rin siya ng matalim.

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko! Tumawa lang sina tita at si Anne. Kung wala si tita baka nasakal ko na tong mga to ng wala sa oras! Hay, brutal nga akong mag-isip pero hanggang plano lang naman ako eh. Sobrang bait ko kasi eh. Sobra.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon